Chap (47) - A Botanist Birthday [3]

3.8K 132 21
                                    

NOTE: Play mo yung music na naka-attach #^__^

Sa kaka-isip ko dun sa banta niyang panliligaw di na ako mapakali. Isang linggong palugit? Pag hindi daw kame magkabati ni Krab ay liligawan niya ako?

Adik talaga yun. Hindi ko alam kung kampi ba siya sa pagmamahalan namin ni Krab o Gusto niyang magkahiwalay na kame ng tuluyan.

Tapos siya yung papalit at magbibigay ng bagong pag-ibig sa aking Puso? Ganun ba yung ibig sabihin niya?

ITULOG KO NA LANG KAYA MUNA ITO?

Baka pareho lang kame nabundat sa mga Prutas kaya ganito yung side effect. Yung may ligawan ng nadadamay. Hahahahahaha.

Pero, yung banta niyang yun tila nagpapahilo sa akin. Parang pag-subok yun na ibinibigay kung Gaano ko ba talaga kamahal si Krab? At kung anu ang kaya kong gawin mapatawad niya lang ako sa mga kasalanan kong ginawa.

Pero gusto ko na muna talaga magpahinga. After nalang siguro nitong kaarawan ni Xavy ako mag-isip ng plano para magkabalikan na kame ni Krab ˆԅ)

 

HINDI NAMAN SA HINDI KO GUSTONG LIGAWAN AKO NI XAVIER..

Si Krab na kase talaga laman nitong puso ko ehhh, Bigyan man ako ng palugit na maikli pa sa isang Linggo. Gagawa parin ako ng paraan makuha ko lang ulit siya.

Nakangiti kong ipinikit ang aking mata, iniisip na muli kong masisipit ang puso ni Krab. Dinadama ko rin yung napakapreskong hangin na lalong nagpapadagdag ng kaantukan sa aking katawan.

I LOVE TO REST IN THIS TREEHOUSE NAPAKAPRESKO, NO NEED TO TURN ON THE AIRCON.

Ang bango ng kapaligiran, yung bango ng prutas na nagsasama-sama papunta sa aking ilong. Hmmmmmmmm Napapahikab na ako habang nakatingin sa anahaw na bubung ng Treehouse.

AYAN INAANTOK NA AKO..

(。 ̄)…zzzZZZ

 

 

 

SUBDIVISION SCANDAL II 💚❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon