Chap (35) - The Come BAKLove of a Crab

4.1K 106 6
                                    

                Nagpaa-alam na sina Janine nung sumapit ang Gabi. Hinatid ko siya kasama si Tito at Tita sa Labas. Meron silang service na sumundo sa kanila. Sa pinag-usapan namin ng Pinsan ko ay bigla akong naliwanagan sa lahat .. ANg Bottomline na ‘wala talagang kasalanan si Krib ‘. Ang sama ko bakit ko siya sinisi !!! Pumasok ulit ako sa bahay at Pinuntahan si kuya. Gusto kong kunin yung mga Picture ..

                “ Pwede ko bang makuha yung mga larawan ? “, tanong ko ulit sa kanya. “ Eh sabihin mo muna .. ano mo ba itong si dennis, nakakapagtaka lang kase na Pinagtanggol mo siya nuon dun sa Teacher niyang si Renales “, Hindi rin chismoso tong si kuya noh .. Parang gusto lahat malaman. “ Simple lang ang sagot diyan kuya .. Bunsong kapatid siya ng Bestfriend ko .. Remember brenth ?? “, Siguro naman matitigiL na siya sa kakatanong.

                “ Ahh OO naalala ko siya, Magkapatid pala sila .. SO Ibig sabihin mo ay Pinoprotektahan mo lang si dennis dahil kapatid siya ni Brenth. Tama ba ako ? “, Ayun nakuha niya din ang Gusto kong ipunto .. “ Absolutely right kuya .. Hehehe “, Tapos binigay na niya sa akin Yung mga Pictures. “ Nga pala After ng Exam .. Gaganapin na yung Acquaintance party ng School at celebration na rin yun para sa pagbabalik ko ulit sa state :-) “, Wala akong paki-alam sa mga party na yan. DI ko gusto mga ganyan. “ EH ano naman ngayon ? Pati ba naman pag-alis mo ulit ipagdidiwang pa .. Tsaka ano naman gagawin ko kung may party diyan sa Skul", Wala akong pake sa pinagsasabi nitong Zhabby na toh !!! may paparty'party pang nalalaman eh..

                “ Simple lang isa ka sa mga mamumuno para sa pag-aasikaso nung Party kaya habang maaga plang kaylangan mo ng Magplano .. Jhonny Han “, ANong !!! ANong trip nanaman nitong si Zhabby ha !!! Putcha gagawin nanaman akong Organizer ano ako .. Bakla para magplano sa Party na yan. “ Kuya naman bakit ako pa ??? Dame naman diyan iba ehh yung mga Student Council na bahala diyan .. ako nanaman eh “, Pagrereklamo ko sa kanya. “ Oh yan naman pala ehhh .. di magpatulong ka , basta Ikaw ang magiging Chairman-In-Charge sa pag-aasikaso .. Nagkaka-intindihan ba tayo ? “, Tanong niya. “ Kuya naman ehh “. Pagrereklamo ko. “ Utos yan .. at wala kang magagawa oh sige bahala ka na dito sa bahay may aasikasuhin pa ko .. At itong hinihingi mo “, Sabay lapag niya nung Mga Pictures. “ San ka pupunta kuya ? “, Tanong ko. “ Mambabae habang nandito pa ko sa Pilipinas heheh .. Oh sige mauna na muna ako “, Paalam niya.

                Kinuha ko naman yung mga Picture , Habang sumisilay na yung ngiti ko sa aking mukha, ramdam ko yun na parang .. Ewan natutuwa akong makita yun. Habang nakangiti akong tinitigyan ang mga iyon ay biglang may tumatawag .. Kinuha ko agad yung cellphone at ..

Zhabby Calling . . .

                Puta ano nanaman kaya Trip nitong si kuya !!! Tumatawag nanaman ang wala , nakaka-irita na!!. “ Ano nanaman ba huh ! “, sigaw ko sa cellphone. “ Aba sinisigawan mo talaga ako noh ! “, sabi niya nanaman. “ Oh ano nanaman ba kaylangan mo ?? “, tanong ko. “ May isa pa pala kayong Picture diyan sa may Ilalim ng Telephone hanapin mo .. Tsaka pakipaliwanang narin niyan sa akin .. “, Pagkatapos naputol na ulit yung Linya namin. Gago talaga tong si Zhabby .. Ano nanamang Picture yan.

                Pumunta naman agad ako sa May Telephone sa lamesa niya at pagkatingin ko sa ilalim ay nakita ko yung Picture ng .. Nagulat ako na natawa. Bakit Meron nito si kuya hahahahahah. Picture namin ni Dennis na nakatulog sa ilalim ng Punong Kahoy at puno ng Nutella ang mukha namin heheh. Naalala ko tuloy ang kulitan naming iyon. Bigla tuloy akong may naisip ng makita ko yung nutella.  Isa na yun sa naisip kong Peace Offering .. Nag-isip pa ako ng Iba. Ng maalala ko nung ginawan niya akong ng Tula .. Paano kaya kung replayan ko yung Tula niya ?? Gawan ko rin kaya siya ng Cookies na hugis alimango ??

SUBDIVISION SCANDAL II 💚❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon