Chap (24) - A Badtrip Bulbasaur

3.7K 77 4
                                    

                Kitang-kita ko sa reaksyon sa mukha ni kuya Brenth yung Gulat. Nagkatinginan kame ni ate mae bago namin muling tinignan si Kuya. “ Brenth magpapaliwanag ako “ , naringig kong sabi ni ate mae sabay tayo nito at lapit kay kuya Brenth. “ Pero totoo yung sinabi mo ? “ , Ulit nito. “ Sa kwarto mo , pwede dun ko nalang ipapaliwanag ang Lahat ? “, mahinahon na paki-usap ni Ate mae. “ Sige hihintayin ko kayo sa kwarto .. pati ikaw bunso kailangan mo ring magpaliwanag sa akin “, napayuko nalang ako ng tumingin sa akin si Kuya. Walang paalam umakyat na uli si kuya Brenth. “ Ate mae paano na to ? “, tanong ko sa kanya.  “ Hindi ko alam dennis, basta ang alam ko kaylangan kong magsabi ng Totoo sa kuya mo “, Tapos iniwan na niya ako mag-isa, Umakyat na siya at tiyak papunta sa Kwarto ni Kuya Brenth. Para Hindi Halata ay tinagalan ko ang pagsunod sa taas. Mga anim na minuto ata ang Lumipas bago ako sumunod sa taas. Pero pumunta muna ako sa kwarto upang magbihis bago ako tumungo sa kwarto ni kuya brenth.


                Naabutan ko sila kuya Brenth at ate mae na nasa may kama naka-upo sila sa magkabilang kanto at magkatalikod. Nakita ko ring umiiyak si ate mae na pinupunas ang mga luha niya sa pamamagitan ng kanyang mga kamay. Sinara ko yung Pinto at naupo ako sa isang –upuan na nasa may Kwarto.


Kuya Brenth : Pero ate mae magiging unfair ka sa ginagawa mo kay Kuya Vince , Mahal na mahal ka niya alam mo naman siguro yun diba ? Kaya niyang isakripisyo buhay niya para sa pagmamahal niya sayo.


Ate Mae : Alam ko yun Brenth .. Pero kung hindi ko to gagawin ako naman ang magiging kawawa .. Habang buhay akong makukulong sa relasyon isa lang ang nagmamahal.


Kuya Brenth : Pero sana bago mo naiisip yang mga yan !! Hindi mo na dapat pina-asa si kuya .. Ate mae gumagawa ka talaga ng Gulo.


Ate Mae : Aminado ako, yun ang kasalanan ko ang paasahin si Vince .. sinubukan ko naman sana siyang Mahalin eh Pero wala talaga.. Wala akong ni isang Porsyentong Pag-ibig na nararamdaman sa kanya.


Kuya Brenth : Kayo ni kuya Rain matagal niyo na bang niloloko si Kuya Vince ?


Ate Mae : Oo


Kuya Brenth : Sige Lumabas kana ate mae .. at sana maayos mo ang Gulong ito na walang masasaktan. Ayokong magkaroon nanaman ng Away sa mga kapatid ko. Sana gawin mo ang tama. Habang maaga pa ayusin mo na. Wag puro puso ate mae .. Minsan isipin mo naman Kung may maaapektuhgan sa Pag-ibig na yan !


Ate Mae : brenth Sorry ..


Kuya Brenth : Hindi mo dapat sinasabi ang mga Salitang yan sa akin. Ang salitang yan ate mae ireserba mo ng buong Puso sa taong Iiwan mo, sa taong di mo pipiliin, Pero sana Hindi si Kuya Vince ang makatanggap ng salitang yan.


                Bago umalis sa kwarto pinunasan na ni ate mae ang buong mukha niya ng panyo galing sa kanyang Bulsa. Pagkalabas niya, ay marahan naman akong Tumayo habang nakatalikod si Kuya Brenth ay lalabas na ako. Nasa pinto na ako at hawak-hawak ko na yung Door Knob ng Biglang may nagsalita mula sa aking Likod .. “ Wag ka munang lalabas dennis .. Kaylangan pa nating mag-usap “ .. Isang Galit na boses ang nagsalita. Pagkatalikod nakita ko siyang tumayo at Pumasok sa Banyo.


                Hala ! Galit kaya si Kuya Brenth sa akin ? Muli akong naupo at Hinihintay siya na di ko alam kung anong ginagawa niya sa banyo. Naringig kong bumukas yung Gripo at naaninag ko dun sa Glass sa may taas ng Pinto na parang nagpupunas si kuya. Sa gusto kong malaman kung anong ginagawa niya Pumunta ako sa tapat ng Pinto ng C.R , Malapit na malapit. Ewan ko ba .. may something akong gustong gawin. Humanap talaga ako ng awang o butas man lang ng Pinto pero wala akong makita .. saradong sarado. Pero di parin ako tumigiL hanggang sa makita ko yung pahabang awang sa may Gilid ng Pinto. Maliit na maliit yun at kung ididikit mo ang mata mo ay may makikita ka parin.


SUBDIVISION SCANDAL II 💚❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon