Chap (7) - After RainShock

4.9K 88 9
                                    

Patuloy ko paring sinisipa ang pintuan ng hudas kong kapatid at lalo kong nilalakasan ang sigaw ko … “hayop ka lumabas ka diyan !’, dahilan upang magising ang iba ko pang kapatid. Nakita kong nakatingin na sa akin si Uno, brenth at topher sa kaliwang bahagi …

“lumabas ka diyan harapin mo ko !”, sigaw sabay sipa ko parin .. hanggang bumukas na ang pinto at sumambulat sakin ang galit na mukha ni clifford. Agad ko siyang nilapitan at walang pag-alilangan sinapak, natumba siya at nauntog sa may paanan ng kanyang higaan. Agad naman siyang nakabangon at .. Sinapak din ako, di ako nagpatalo sa kanya mas maliksi ako sa kanya, kaya nakaka-ilag ako sa bawat suntok niya.

“Putang ina mo rain ah … wala ka bang galang sa kuya mo !”, sigaw niya sa akin habang magkaharap kami. “Tang-ina mo rin ! .. nakita mo ba yung ginawa mo kay dennis !”, ako sabay duro sa kanya. “bagay lang yun sa kanya”, sagot nito .. “bagay sa kanya eh .. tignan mo nga nangyari sa kapatid natin .. mamamatay na sa lamig at ang lakas ng lagnat tapos sasabihan mong bagay yun sa kanya  .. tarantado ka pala eh” … galit na galit kong sabi. “may kasalanan siya kaya .. tanggapin niya ang parusa”, parang nang-iinsulto nitong sagot. “gago .. sarili mong kapatid tapos .. gagawan mo ng ganun .. DEMONYO ka !’, sigaw kong muli.

Lumapit siya sa akin .. sabay sinapak ako. Talsik ako sa may labasan ng pintuan niya. “Bakit gusto mo rin bang matulad sa kanya .. gusto mo rin bang mamatay !”, siya sabay sipa sa akin.  Agad akong bumangon sabay kuha ko sa baseball bat niya sa may gilid ng lamesa .. sabay tinutukan ko siya at akmang hahampasin . “Umayos ka rain ! … wala ka ng galang !”, sigaw niya habang papalapit ako sa kanya na .. gusto ko na talaga siyang hampasin at papatayin .. nandidilim na ang paningin ko sa mga oras na iyon. Hanggang hindi ko na mapigilan ang sarili ko at hahampasin ko na siya …

“mamatay ka ng hayop ka !” ….

Nang biglang naramdaman kong may pumigil sa akin.. “Bitawan mo ko !”, sabi ko sa taong humahawak sa mga kamay ko paglingon ko .. si Vince ang pumipigil sa akin. “rain tumigil ka na ! .. galangin mo naman si kuya”, Nairita ako sa sinabi niya. galangin ? Sa ginwa niya sa bunso naming kapatid kaylangan pa ba siyang igalang ??. Lalo akong nainis sa kanya .. hindi niya man lang pinagtanngol si dennis sa hinayupak na ito. Uminit din ang dugo ko sa sinabing iyon ni Vince.

Agad ko siyang tinulak papunta sa hudas na si clifford. “tarantado ka rin pala eh .. nakita mo na ba yung kapatid natin ?! ,, ang kalagayan ni dennis! … mamatay na kapatid natin tapos ganyan ka pa kinakampihan mo yang hudas na yan !”, ako … ‘Tumigil ka na rain !”, muling sambit niya. “Pareho kayong hudas ! demonyo walang puso … !", ako sabay dura ko sa kanilang dalawa. Nagulat ako ng bigla akong sinipa ni clifford .. at pinulot niya ang baseball bat ..

At ….

“hudas ako diba? .. demonyo ako diba?”, eh di totohanin na natin .. muli niya akong sinipa … “arayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy! Gago ka !". Tanging nasigaw ko ng sinipa niya ako, dahil ramdam ko na ang sakit ng pagsipa niya. “Mamatay ka na !”, siya sabay hampas sa bat papunta sa akin ..

“Kuya .. si bunso !”, napatigil ako ng maringig ko iyon. Pati na rin si clifford na hahampasin sana ako ay di na natuloy. Nawala na sa isip ko si dennis dahil sa galit ko sa hayop na hudas na ito. Agad akong tumayo at lumapit agad kay Topher … “bakit anong nangyari kay bunso?" …. Tanong ko. “Ang putla na niya .. tsaka suka ng suka”, si topher na ang mukha ay alalang-alala na .. Muli ako tumingin sa dalawa sa likod .. “tignan niyo ang ginawa niyo .. hindi pa tayo tapos !”, agad akong tumakbo patungo sa sala.. ramdam ko rin na sumunod si Vince Dahil tatlo kaming tumatakbo.

Naabutan ko sina manang .. breth at uno na inaalalayan si dennis na nakaka-awa na ang kalagayan .. suka itong suka sa maliit na palanggana at tanging mariringig mo lang sa kanya ay ang ungol na … hmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm na tiyak na hirap na hirap na. “manang anong sabi ni Doc ..?’, ako. “Mukha daw pong matatgalan siya dahil malakas ang ulan .. sa lugar nila sir”, sabi ng matanda.

SUBDIVISION SCANDAL II 💚❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon