Chapter 2

12.9K 299 10
                                    

"O JILLIAN! Kamusta naman 'yung bagong doktor na pumalit sa akin dyan?"

"Grabe doc. Di pa rin ako makapaniwala na iniwan mo ko dito."

Pag-iiba nya ng topic. Narinig niya ang mahinang tawa nito.

"Sumunod ka na kasi dito. Tutal, tapos na naman iyang kontrata mo diyan at matagal ka na ding kinukulit ng parents mo 'di'ba?" She sighed. "Teka nga, 'wag mo ngang ibahin yung usapan. Kamusta naman yung bagong pumalit sakin diyan?"

Inilipat ni Jillian sa kabilang tainga ang kaniyang cellphone. Kasalukuyan kasi siyang nagbebake ng brownies na babaunin niya sa school.

"Ayun, close na kami."

Narinig niya ang pagtawa nito.

"Close agad? First day pa lang. Iba rin ang kamandag mo, sis."

"Oo close agad. First day pa nga lang topic namin agad ay sex."

Lalong tumawa ito ng malakas.

"Sex agad? Wow ha Jillian. Mukhang magkakasex life ka na."

Natawa siya.

"Sex agad Dok? Ni hindi pa nga niya ako nililigawan!"

"Kelangan pa ba nun? Saka diba sabi mo crush na crush mo siya?"

Napangiti siya habang inaalala ang seryoso subalit gwapong mukha ng binata.

"Yes... Well, he's tall, handsome, smart and... Sa di malamang kadahilanan, I think he's trying to intimidate me. Though, alam ko naman na minsan nasa nature ng mga doktor ang pang-iintimidate, oh well except for you kasi love mo ko." Narinig niya ang tawa nito. "It's like he's really trying to scorch me. May nabalita na ba sa TV na kriminal na kamukha ko? Wala pa naman diba?" Lalong napahalakhak ito.

"Hay naku Jillian, mabuti pa dalhan mo yun ng pagkain pampaamo. Remember, the best way to win a man's heart is through his stomach."

Napatingin siya sa bagong lutong macadamia brownies na nasa harapan niya.

"Tama ka doktora. Wala pang hindi umaamo sa macadamia brownies ko. Kahit ang bully na mga estudyante ng Harrison ay nagtitino kapag natitikman nila ang brownies ko."

Narinig niya ang muling pagtawa nito kasabay niyon ay ang pag-iyak ng isang bata mula sa kabilang liniya.

"Sige na nga, hindi na muna kita iintrigahin at hinahanap na naman ako ng bunso ko. O siya, ingat ka dyan. Bye!"

"Bye, Doktora."

A curve was formed on her lips.





Napadaan si Jillian sa isang coffee shop malapit sa pharmacy na binilhan niya ng clinic supplies. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakakainom ng milkshake and this would be her reward for completing her monthly report on time. Matapos siyang umorder ay naupo siya sa isang loveseat roon. There were only few people inside and a melodramatic music was playing in low volume. Bagay sa mga taong gustong mag-emote ang ambiance at music.

Naglalaro rin sa kanyang isipan ang pag-absent ng bago nilang doktor. Iniisip niyang baka may importanteng inaasikaso ito sa ospital o kaya naman ay nasa isang convention ito.

Akmang bubuksan na niya nag magazine sa kaniyang harapan nang marinig niya ang isang pamilyar na boses.

"I understand."

Dahan-dahan siyang lumingon, it was Erik she saw. He looked astonishing in his white long sleeved shirt and washed out denim.

Ang gwapo talaga ni Sungit kahit naka-casual outfit! And what is he doing here? Akala ko pa naman ay may kung anong emergency ito at hindi pumasok, nandito lang pala malapit sa school,' wika niya sa isip.

The Doctor's Order Book 1: Erik & JillianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon