Chapter 14

7.8K 189 2
                                    

Mabigat na mabigat ang pakiramdam ni Jillian nang magising siya. And her head was killing her. She remained her eyes closed dahil mas sumasakit ang ulo niya kapag nakakakita siya ng liwanag.

Then she heard a familiar voice.

"Yes, Hanna, cancel all my appointments today. I have an important thing to do. And please inform Keane to come to my pad as soon as possible. Alright, thank you."

She tried opening her eyes and she saw Erik was standing beside her bed. Lumapit ito sa kaniya.

"Erik...nasan ako?"

"You're in my pad, in my bedroom. Nawalan ka ng malay kanina 'nong nasa park tayo kaya dinala kita dito since it's the nearest place where you can rest."

Naupo ito sa kaniyang tabi at kinuha nito ang tympanic thermometer sa night table at kinuha ang kaniyang temperatura.

"Thank goodness bumaba na rin ang body temperature mo. Here, take this." iniabot nito sa kaniya ang isang tableta ng paracetamol. Tinulungan rin siya nitong makaupo upang makainom siya ng gamot. Ipinulupot niya ang kumot sa katawan nang siya ay muling makahiga. She's still feeling cold.

"Erik, uuwi na ko."

Akmang uupo na siya upang makatayo nang pinigilan siya nito.

"No. You need to stay here. Kailangan mong magpahinga."

"No. I need to go home. Isa pa, papaalala ko lang sa'yo, I am a nurse so I can take care of myself-"

"Yes, you are a nurse, but now it's not your job to take care of yourself. Right now, it's my job to take care of you." ma-awtoridad na wika nito.

Wala siya sa mood na makipagtalo rito kaya muli siyang humiga at nagtalukbong subalit hinatak nito ang kaniyang kumot.

"Wag kang magtalukbong, panong tuluyang bababa ang lagnat mo?"

She deep breathed. She's feeling ambivalent. She wanted to feel Erik's presence beside her but she also wanted to get away from him. And even with all the pain she is feeling, she's wondering how she can feel her heart that is still aching.

"Magpapasundo na lang ako kay Nicole o kaya kay auntie o kaya kay Aldous-"

Bahagyang naningkit ang mga mata nito. Tila hindi ata nito nagustuhan ang sinabi niya.

"You will stay here." malamig na wika nito pagka ay may kinuha itong cool pack sa night table at ipinatong sa kaniyang noo at walang seremonyang iniwan siya nito.

"Ang sungit talaga. Hmp!" ilang saglit lamang ay dinalaw muli siya ng antok.

Muling nagising si Jillian nang maramdaman ang mga mainit na mga bisig na nakayakap sa kaniya. Nang mag-angat siya ng tingin ay bumungad sa kaniya ang mahimbing na natutulog na mukha si Erik. Her heart started beating so fast again. She could smell his warm, minty breath. Ilang pulgada lamang layo ng mga labi nito sa labi niya. Napabuntung-hininga siya. Why is Erik hugging her? Nanlaki ang mga mata niya sa naisip.

Did he...

Subalit nang madako ang tingin niya sa sarili ay balot na balot siya. Hindi niya alam kung bakit tila nakaramdam siya ng kaunting disappointment sa narealisa.

Magtigil ka Jillian! sigaw niya sa isip.

She carefully traced his eyebrows and nose with her finger. Napangiti siya. Napakasarap pagmasdan ng binata habang tulog ito. Tila isang anghel ang itsura nito. Bagaman parang tinatambol na ang kaniyang dibdib sa kaba, she can still feel calm deep down. She can feel his warmth and gentleness, how she wish she could wake up every morning greeted by the face of this man whom she love so much.

The Doctor's Order Book 1: Erik & JillianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon