Chapter 11

6.9K 181 8
                                    

It's been five days since the party but Jillian can't still get Erik out of her mind. Pakiramdam nya ay gusto nyang magpasagasa at magka-amnesia upang makalimot. Mabigat na mabigat ang pakiramdam nya. During the day at work, she acts like nothing is wrong when deep inside, she's breaking down. Laking pasalamat na lamang nya at dumating na ang permanenteng doktor na papalit kay Erik. At least hindi na nya makikita ang binata at maisasagawa nya ang planong iwasan at magmove on rito.

Alam niyang walang direktang kasalanan si Erik sa mga nangyari sa kanya dahil siya naman mismo ang nagprisinta na tulungan itong magmove on but during the process, she fell so damn hard with him. And now she didn't know how to stand again when everytime her mind floods her with memories of Erik.

Damn! Hindi pwede ang ganito.

Alam niyang siya ang may mali. And now she was devastated. She felt helpless. But despite of everything that ever happened, she can't get mad at him. Hindi niya kayang magalit rito dahil nagmamahal lang din naman ito katulad nya. Bukod pa doon, ang pinaka kinaiinisan nya ay dahil nauunawaan nya ito kung bakit hindi ito kaagad makalimutan si Bianca dahil sya mismo ay hindi rin nya kayang basta na lamang kalimutan ang pagmamahal niya rito.

Hindi pwede to. Hindi dapat siya nagpapakamiserable sa lalaking iyon. Madaming lalaki sa mundo ang kaya syang mahalin at ibigin. Hindi dapat siya nagmumukmok sa isang tangang lalaking nagmamahal sa isang babaeng kahit kailan ay hindi ito mamahalin. Mahal niya ito kahit wala siyang plano gayahin ang katangahan nito kay Bianca. She sighed.

She needed to get some fresh air.

Sa isang mall dinala si Jillian ng kanyang mga paa. Yeah, she said she needed to get some fresh air subalit lalo ata siyang nasu-suffocate nang makarating sya sa seaside dahil sa dami ng magkasintahang naglalambingan roon.

Get a room!

Magbe-break din kayo!

Pinagtataksilan ka nyan akala mo ba!

Iba ang totoong mahal nya!

Sigaw nya sa isip sa bawat magkasintahang madadaaanan nya.

Never in her life she expected na magiging ampalaya sya.

She rolled her eyeballs as she passed by a couple who are holding hands while walking.

Walang forever! Hmp!

Maya-maya ay nabaling ang tingin nya sa mga batang nagkumpol-kumpol sa isang puno roon.

"Naku! Kailangan nating iligtas yung kitty!"

"Let's call a police!"

"Kawawa naman yung kuting."

Lumapit sya sa mga ito at tinignan ang pinagkakaguluhan nito. Napasimangot sya nang makita kung ano iyon.

"Aba. Paano ka nakarating dyang pusa ka?"

Napalakas ata ang kanyang boses kaya't nabaling ang atensyon ng mga bata sa kanya.

"Ate, can you save the kitten?" she looked at the little girl with an annoyed face. Bahagyang natakot ata ito sa ekspresyon nya. "'Wag na po pala ate. Joke lang po."

Agad na bumawi siya dahil maski ang ibang batang naroon ay tila natakot sa ekspresyon ng mukha nya.

Hoy Jillian! Kay Erik ka asar hindi sa mga batang iyan! Inosente ang mga iyan! sigaw ng isip nya.

Agad na ngumiti sya. Showing her perfect set of white teeth.

"Sure. I'll save the kitty."

Hinubad nya ang sapatos at jacket niya at dahan-dahan niyang inakyat ang nasabing puno. Medyo nadudulas-dulas pa sya dahil medyo mamasa-masa ang katawan ng puno. Nang sa wakas ay makuha nya ang kuting ay nagpalakpakan ang mga bata na tila siya si Wonderwoman na tagapagligtas ng sangkapusaaan. Bahagyang itinaas pa nya ang kuting na para bang isang trophy na napanalunan niya upang makita ng mga bata.

The Doctor's Order Book 1: Erik & JillianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon