Chapter 7

7.6K 212 4
                                    

Antok na antok pa si Jillian ng umagang iyon. Alas dose na kasi ng gabi natapos ang kwentuhan nila ng kanyang napakagwapong manliligaw.

Eherm! Napangiti sya. Akalain mo nga naman! I just saved someone from the friendzone nagkaron pa ko ng makalaglag reproductive system na manliligaw!

Muli nyang tinignan ang larawan nito sa kanyang wallet.

"Don't worry my knight in shining armor in distress, nandito na ang damsel in shining armor mo. Tutulungan kita sa abot ng makakaya ko."


Nabaling ang tingin nya sa kanyang table. May isang long-stemmed peach rose na naroon. Napakunut noo sya.

There's a note in it.

Natawa sya nang makita ang penmanship sa note.

If you've seen this, send me a message. I'll be in a seminar in Baguio for two days. Behave. Eat well. Take care of yourself. Doctor's order.

Erik Peralta

Gusto sanang magtatatalon ni Jillian sa kilig nang mabasa ang note nito. Goodness! Ang sweet ng manliligaw ko! Mukhang madali nga para rito ang pakiligin sya. Ilang saglit lang ay tumunog ang cellphone nya. There was a message from Erik.

Why aren't you sending me a message?

Napangiti sya. Aba't atat ang mama.

Eto na nga ako! Nagtetext na.

Muling tumunog ang kanyang cellphone.

If I hadn't sent you a message you won't send me one.

Natawa sya sa sinabi nito.

Hoy! Itetext na sana kita. Naunahan mo lang ako.

Ilang minuto ang lumipas bago muling nagreply ito.

I'll be going inside the seminar hall now. Take care of yourself, eat healthy and BEHAVE.

Natawa sya sa mensahe nito. Para itong tatay na nagsasabing mag-'behave' ang anak kundi ay wala itong pasalubong.

Alright. God bless and take care Erik.

Tumunog ang telepono nya.

I will.

And there. Kahit alas syete pa lang ng umaga ay buo na agad ang araw nya.

Magandang-maganda na naman ang mood ni Jillian ng umagang iyon. Napaka-smooth ng kanyang araw so far at umaapaw na ang kanyang good vibe kaya naman mismong ang mga taong nakikita sya ay tila gumaganda rin ang mood.

Sino ba namang hindi gaganda ang mood kung may isang Erik Peralta na nagpapaganda lagi ng umaga mo.

Na kaya ka naman nya niligawan kasi nag-offer kang tumulong para makamoved on sya kay Bianca—

Bago pa matapos ang kontrabidang bahagi ng kanyang isip sa paglilitanya sinigurado ay sinupil na nya ito. Hindi na lang nya iniisip ang bagay na iyon para hindi mawala ang maganda nyang mood.

Pabalik na sya ng clinic ng tanghaling iyon nang may matanggap syang mensahe. It was a picture of a sunflower field with a caption.

Not quite as beautiful as you are, but it was a nice afternoon sight.

Feeling nya kinuryente sya sa kilig ng araw na iyon. Iba na talaga ang epekto sa kanya ni Erik. Parang nasa alapaap sya sa sobrang kaligayahan. Nabaling ang tingin nya sa kabilang direksyon kung nasaan ang mga grade two students. They're giving her a look saying "there's-a-crazy-woman-there, run!". She gave them a wide smile subalit nagtakbuhan ang mga ito. Naalala nyang hindi pa nga pala sya nagtotoothbrush matapos mananghalian ng dinuguan dahil pinatawag sya sa pre-school department. Hindi na lang nya ito pinansin at bumalik na sya sa kanyang lungga.

The Doctor's Order Book 1: Erik & JillianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon