Chapter 7

924 41 43
                                    

BRYLLE's POV

Nasaan na sila?

"Walang signal ang phone ko. Hindi na natin sila makokontak."-James

"Baka nandiyan lang sila sa malapit. Maghanap na lang tayo."-Aki

"Sana ligtas lang sila."

"Ligtas sila Brylle, kaya 'yon ni Sam. Dapat ay magamit niya ang kaunting yabang na mayroon siya."-James

Tama si James. Makakaya nila iyon lalo pa't si Sam ang kasama ni Angel. Ang kailangan lang naming gawin ay hanapin sila. Huwag na sana silang lumayo para mabilis lang namin silang makita.

Hinahanap namin sila sa bawat bahay na nadaraanan namin. Pinapatay ang kaunting living dead na nasasalubong.

Kaya lang, mukhang minamalas kami. Biglang umulan ng malakas.

"Doon tayo sa grocery store na 'yon!"-James

"Tara bilis!"

Tumakbo kami ng mabilis papunta dito sa grocery na ito. Pagkapasok namin, nakita namin na puro dugo ito, nakita rin namin na basag ang glass door. Mukhang napuntahan na ito ng ibang tao, o kung tao nga ba ang nagpunta dito.

"Dito muna tayo, magpapatila lang tayo."

"Brylle, kay Sam ito di'ba?"-Aki

Relos? Ganiyan ang hitsura ng relos ni Sam.

"Tingnan mo kung may pangalan sa ilalim."

"Sam O.. Kay Sam nga ito."-Aki

"Ibig sabihin, nagpunta na sila dito. Baka nasa malapit lang sila."

Kay Sam nga ang relos na ito. Nandito lang sila sa malapit. Pero bakit puro dugo dito sa lugar na ito? Bakit basag ang mga salamin?

Dugo. May dugo ang relos niya. May nangyari ba sa kanila?

Hindi. Walang nangyari. I'm sure they are still alive.

"Kailangan na natin silang hanapin."

"Pero malakas pa ang ulan. Mamaya na."-James

"Pero baka makalayo na sila! Kailangan natin silang maabutan. Paano kung mapahamak sila? Hindi nila kakayanin lalo pa't dalawa lang sila!"

"Ano ba Brylle?! Pagkatilang-pagkatila ng ulan, lalabas na tayo para hanapin sila."-Aki

"Kuya Brylle, don't worry, I'm sure they're safe. I know, hindi hahayaan ni Kuya Sam na may mangyaring masama sa kanila."-Sachi

Tama. Hindi hahayaan ni Sam na may mangyaring masama sa kanila.

Pero si Angel....

Kayanin mo sana Angel. Alam ko namang matapang ka.

--

Sa wakas! Tumigil na rin ang ulan.

"Tara na."


"Raaawwwrrr."

Living dead? Ang dami nila!

"K-Kuya! Ang dami n-nila!"-Sachi

*click* *click*

"W-Wala na kong bala."-James

"Wala na ring bala ang baril ko."-Aki

"K-Kuya."-Sachi


"Raawwwrrr."

Damn! Bakit ngayon pa?!

Living With The DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon