CHAPTER 5

965 38 19
                                    

[A/N: part pa rin po ito ng POV ni Aki. Salamat! BTW, salamat @DanJeriel sa cover :))]

Nasaan ako?

Bakit ang dilim?

Bakit ang ingay?



"Tulong!!!! Waaaahhhh!!!"

"Sino 'yan?!"


"Aki tumakbo ka na! Iligtas mo ang sarili mo!"

"Sam? Brylle? James? Angel?"


"Bilisan natin tumakbo palayo Aki! Hindi na natin maliligtas sina Sam!"

Nasaan ba kayo? Bakit hindi ko kayo makita? Bakit ang dilim?! Nakakainis na!



"Raaaawwwwrrr"

Living dead? Naabutan nila ako.



"Raaaawwwrrr"

Ayoko pang mamatay! Tulungan nyo ko!

"Waaaaaahhhhh!!!!"

"Hey Akihiro! Are you alright?"-Sam

"Sam? Hindi kayo naging katulad nila? Buhay kayo?"

"Ano ba namang tanong 'yan?! Syempre buhay pa kami! Nananaginip ka pa ba?"-James

"I'm sorry. Akala ko...."

"Don't mind it. Uminom ka muna. Sobrang pagod ka lang siguro."-Sam

"Salamat."

"Magbabantay muna kami. Magpahinga muna kayo dyan."-Sam

Anong klaseng panaginip 'yon? Lahat kami magiging living dead?

Panaginip lang iyon Akihiro. Most of dreams are not real. Quit thinking about it. You should relax.



SAM's POV

Maayos pa ang bahay na ito. Buti na lang isa lang ang living dead na nandito.

Tsineck namin ni Brylle ang second floor ng bahay na 'to.

You can see blood everywhere.

Habang kumukuha kami ng ilang gamit dito, narinig namin na may sumigaw sa ibaba. Bigla kaming nagkatinginan ni Brylle at nagmadaling bumaba.

Hawak namin pareho ang mga baril namin just in case na mayroong living dead.

Pagbaba namin sa first floor, wala kaming nakitang kahit isang living dead. Tiningnan ko sina Aki at napansin kong pawis na pawis siya.

Tinanong namin siya at nalaman naming nananaginip lang pala siya. Pinagpahinga na lang namin ulit sila at sinabing kami muna ang magbabantay.

"Buti na lang walang malapit na living dead dito, kung hindi, baka hindi na natin naabutan 'yung tatlo."-Brylle

"Maliligtas naman nila ang sarili nila, may baril naman sila na pwede nilang gamitin. Hindi pwedeng lagi tayong nakaasa sa iba. Paano na lang kung bigla tayong magkahiwa-hiwalay di'ba?"

"Hindi 'yan mangyayari. Hindi naman natin hahayaan na magkahi-hiwalay tayong lima."-Brylle

"What if lang naman di'ba?"

Paano nga kaya kung biglang magkahiwa-hiwalay kaming lima? Huwag naman sana mangyari.

"Sam! May helicopter!"-Brylle

"Saan kaya papunta 'yon? Dapat pala nag-signal tayo sa kanila para matulungan nila tayo. Baka kasama nila ang papa mo."

"Mahahanap din natin ang mga pamilya natin. Tiwala lang 'yan."-Brylle

Oo tama. Tiwala lang. Mahahanap din namin sila.

--

Pinalitan kami nina Aki sa pagbabantay para kami naman ang makapagpahinga.

Silang tatlo naman ang nagbabantay ngayon habang kami, matutulog pa lang para may lakas kami bukas.

--

Maaga pa lang nang magpasya na kaming umalis. Malayo pa ang lalakarin namin. Nag-iba kasi kami ng daan papunta sa bahay nina Aki.

Kinakain na rin namin ang mga dala naming pagkain habang naglalakad. Hindi na kami pwedeng huminto ng matagal dahil baka maabutan na naman kami ng dilim sa kalsada.

Malayo-layo na rin ang nalalakad namin nang may makita kaming sasakyan.

Tsineck muna namin ito. Swerte namin dahil nandito ang susi.

"Sa wakas! May magagamit na rin tayong sasakyan. Ako naman ang magmamaneho ha?"-James

Pumayag na lang kami sa gusto ni James. Siguro namimiss na niya ang sasakyan niya kaya ganyan sya. Sayang din yung kotse nya, ang alam ko pa naman, kabibili lang nya no'n.

Naging mabilis na lang ang pagpunta namin sa bahay nina Aki. Pagkabukas ng gate, ipinasok na namin itong kotse.

"Magready muna tayo, baka may mga living dead sa loob."

Ready na kami kaya pumasok na kami sa loob ng bahay. Nakakapagtaka. Hindi magulo dito, hindi katulad ng bahay namin at no'ng bahay na tinuluyan namin.

Walang bakas ng dugo at maaayos pa rin ang mga gamit dito.

"Baka may tao pa dito? Ang linis pa ng bahay ninyo!"-James

"Check ko lang 'yung mga rooms sa taas. Pahinga muna kayo diyan."-Aki

"Pahinga na naman. Tsk. Sasamahan na kitang tingnan 'yung mga kwarto."-Brylle

"Can I take a shower? Ang lagkit na ng katawan ko eh. But first, may damit ba dito na pambabae?"-Angel

"Meron, may kapatid akong babae. Sige kukuha na rin ako ng damit. Hintayin nyo na lang kami."-Aki

"Tingnan ko rin muna yung ibang lugar dito, baka may pagkain sa kusina eh."-James

"I need to go to the restroom. Ihatid nyo naman ako."-Angel

"Ako na lang ang maghahatid sa'yo. James, kumuha ka na ng maraming pagkain kapag mayroon."

Dahil saulado ko naman ang bawat parte ng bahay nina Aki, nakarating kami agad sa restroom. Tsineck ko muna ang loob nito bago pinapasok si Angel.

Hinihintay ko na lang siyang matapos nang marinig kong tinatawag ako ni Brylle.

"Angel, dito ka lang ha? Tataas lang ako. Huwag kang lalabas."

Pagkasabi ko no'n sa kanya, nagmadali na kong umakyat sa itaas, kasunod ko lang si James.

"Anong nangyari? Brylle? Aki?"

"Buhay pa ang kapatid ko, pero wala siyang malay. Nakita siya ni Brylle sa loob ng cabinet."-Aki

"Dalhin natin sa ibaba. Naghihintay din doon si Angel. Teka pala, pahiram ng damit para kay Angel."

Binuhat ni Aki ang kapatid niya pababa at ako naman ay dumiretso sa restroom para maibigay kay Angel ang damit.

Nang matapos siya, sabay na kaming nagpunta sa living room.

"Siya yung kapatid mo? Ang cute naman."-Angel

"Hindi pa rin siya nagigising."-Aki

"Buhusan kaya natin ng tubig?"-James

"Ikaw ang buhusan ko, gusto mo?"

"Joke lang."-James

Iniwan muna namin ang kapatid ni Aki sa sofa dahil kailangan namin ayusin ang mga sarili namin. Tatlong araw na rin naman kaming hindi naliligo at nagpapalit ng mga damit. Hays.

Living With The DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon