CHAPTER 3

1.2K 54 25
                                    

Buti naman at kahit papaano ay kumokonti na ang mga living dead. Tumigil na rin sila sa pagbaril dahil napapagod na raw sila.

Kailangan namin ng sapat na pahinga para bukas.

Wala sanang mangyari samin bukas. Hays.

Nakatulog na 'yung tatlo, at inaantok na rin ako. Papikit na sana ang mga mata ko nang....




"AAAAHHHHHHH!!!!!!"

"Ano yon?"-James

"I don't know! Sa labas yata iyon. Tingnan natin."-Brylle

Nagpunta kami sa second floor upang makita kung sino ang sumigaw. And there we saw a girl at nag-iisa lang siya.

"Kailangan natin siyang iligtas. Akin na yung baril, papatayin ko yung nasa malapit sa kanya."-James

"I will help you to shoot them."-Aki

She's alone. Wala siyang laban sa mga living dead na nakapalibot sa kanya. Teka...

"Nahimatay na yata. Kailangan natin siyang puntahan."-Brylle

"Ako na lang ang pupunta at kayo ang back up. Okay?"-James

"Sige. Samahan kita sa baba."

Ako ang nagbukas ng gate para kay James, nasa taas naman sina Aki at Brylle para barilin ang mga living dead.

"Bumalik ka dito ng buo, naintindihan mo?"

"Yes sir! Haha!"-James


Pagka-alis ni James, sinara ko na agad ang gate. Mahirap na at baka pasukin kami dito.

Umakyat na ko agad sa second floor para makita rin si James.

Binabaril ni Aki ang mga living dead na malapit doon sa babae samantalang kami naman ni Brylle, binabaril namin ang mga malapit kay James. Hindi namin hahayaang may mawala sa kanilang dalawa.

Nakalapit ng ayos si James doon sa babae at ngayon ay tsinecheck niya kung may kagat ba ito o wala. Siguro nakita niyang walang kagat o sugat kaya binuhat na niya ito.

Malapit na siya sa gate kaya bumaba na ko para pagbuksan siya. Sumunod naman agad 'yung dalawa sakin matapos ang ilang segundo.

"Buhay pa ba? Tsineck mo ng ayos? Baka mapahamak tayo diyan."-Aki

"Wala ba kayong tiwala sa'kin? Dadalhin ko pa ba siya dito kung may sugat siya  o kagat man lang? Di'ba hindi? Tsk! Nakakapagod! Ang bigat din ng babaeng 'to."-James

"She looks familiar."-Brylle

"Dalhin mo na siya sa isang kwarto. Hihintayin natin siyang magising."

Tama si Brylle, mukhang pamilyar nga ang babaeng iyon. I think I saw her somewhere.




BRYLLE's POV

Habang nagpapahinga ulit sila, heto ako at binabantayan siya. Kilala ko siya, kilalang-kilala.

Kanina pa namin siya dinala dito sa kwarto at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising.


*Door opens*


"She's still not awake?"-Sam

Living With The DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon