Chapter 10

790 36 34
                                    

BRYLLE's POV

May malapit na gun store dito na lagi naming nakikita ni Angel dati kaya nag-decide kami na puntahan iyon pagkatapos naming magpahinga.

Kailangan din kasi namin ng mga baril. Wala na kaming panlaban sa mga living dead.

"Malayo pa ba? Napapagod na ko kaagad. Alam mo 'yong parang kanina lang tayo nagpahinga tapos bigla tayong hinabol ng mga living dead. Tsk!"-James

"Malapit na tayo. Doon sa kantong iyon, nandoon ang gun store na pagmamay-ari ng mga pinsan ko."

Nakakapagtaka lang na walang living dead dito. May pumatay na ba sa kanila?

Nakarating na kami dito sa gun store. Pagkapasok namin sa loob, wala na kaming makitang baril.

"Wala na? Sayang ang pagpunta natin dito!"-James

"Baka mayroon pa. Maghanap na lang tayo."-Aki

Inikot namin ang buong store kaso wala talaga kaming makita na mga baril.

Mukhang may mga nakakuha na.

"Tara na! Wala namang baril eh."-James

Nakakainis!

Hindi na nga namin mahanap sina Sam. Wala pa rin kaming baril. Tsk!

Nagdesisyon na lang kami na umalis dahil wala kaming mapapala dito.

Papalayo na kami sa store ng may humarang sa amin.




"D-Diyan lang kayo. H-Huwag kayong kikilos!"

Paano kami kikilos, tinutukan na nila kami ng baril.

Kahit dalawa lang sila, hindi namin sila kaya dahil may baril silang hawak.




"Bakit ka nauutal Tuesday? Tsk! Kapkapan na natin sila. Baka may dala silang pagkain."

"Pagkain ba? Oo may dala kami! Ibibigay namin sa inyo ang pagkain namin basta ibaba nyo lang ang mga baril ninyo."-James

Tuesday ba kamo?

"Tuesday Berdera?"


"B-Bakit mo a-ako k-kilala?"

Hindi na niya ako kilala? Sabagay. Tumira nga pala sila sa ibang bansa.



"Huwag ka na nga makipag-usap sa kanya. Ilabas nyo na ang pagkain!"

"Brylle Jason Torres, remember?"


"K-Kuya Jason!!!"

Mas sanay siyang tawagin ako sa second name ko.

Nilapitan niya ako at niyakap. Niyakap ko rin siya dahil namiss ko itong pinsan ko.

Yeah. She's my cousin. Sila ang may-ari ng gun store.



"Hoy Tuesday! Sino ba siya?!"

"Pinsan ko siya Zean. Kuya Jason, si Zean nga pala. Zean, si Kuya Jason. Buti ikaw 'yan Kuya! Maliligtas na kami."-Tuesday

"Teka, kailangan ninyo ng pagkain di'ba? James, bigyan mo sila ng dala natin."

Hinayaan na lang muna namin sila na kumain habang kami naman ay nagbabantay.

"Nasaan pala si Monday?"

Hindi ko kasi nakita na kasama nila si Monday. Si Monday ang Kuya ni Tuesday.

Ang weird talaga ng mga pangalan nila.

"W-Wala na si Kuya Monday."-Tuesday

Wala na?

"Paanong wala na?"

"Pupunta sana kaming tatlo sa gun store kaya lang... kinain nila si Kuya."-Tuesday

Nilapitan ko agad siya dahil nakita kong umiiyak na siya.

"Sshh. Stop crying."

"Ang iyakin mo talaga. Wala namang magagawa 'yang pag-iyak mo. Hindi mabubuhay ng pag-iyak mo ang Kuya mo."-Zean

"Ang sama ng tabas ng dila mo ah! Natural lang na iiyak siya dahil nawalan siya!"-James

"Huwag mo ng patulan James."-Aki

"Kanina pa eh. Akala mo kung sino."-James

"Tama na.... Zean, tama? Hindi maganda ang lumalabas sa bibig mo. Kung wala kang sasabihin na maganda, tumahimik ka na lang."

"Tsk!"-James

"Umalis na tayo dito. Ah oo nga pala, may baril pa ba kayo?"

"Meron pa Kuya. Zean bigyan mo sila ng baril."-Tuesday

Pagkabigay sa amin ng baril, nagsimula na kaming lumakad.

Kailangan pa namin mahanap sina Sam.

May mga nadaanan kaming mga patay na living dead habang naglalakad kami.

Sobrang dami ng living dead. Kaya siguro wala na kaming makita dahil puro mga pinatay na.

Dumiretso na lang kami ng lakad. Kailangan din namin maghanap ng matutuluyan dahil malapit ng dumilim.

Pagkatapos ng mahabang lakarin, nakahanap din kami ng bahay.

Nilapitan namin 'yong bahay at kapag minamalas ka, naka-lock pa. Tsk.

"Sirain na lang natin 'yang pinto."-James

"Tanga ka ba? Kapag sinira natin 'yang pinto, hindi rin tayo titigil ng matagal sa bahay na ito dahil hindi ligtas."-Zean

"Aba! Akala mo talaga kung sino ka ha!"-James

Aambahan na sana ng suntok ni James si Zean ng biglang bumukas ang pinto.

Bigla naming ni-ready ang mga baril namin.

Living With The DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon