CHAPTER 13:

409 18 2
                                    

Akala ko lang pala...

Tatlong araw matapos ang pakikipagusap ko sa driver ng bus ay na'hit and run naman ito. Ang sabi ng asawa nya sa interview ay parang may gumugulo raw sa kanya. Isang taong itim daw gaya ng sabi sa kanya ng asawa nya. Hindi daw dapat nya sinunod ang babaeng nagsabi sa kanya na mag-iba sya ng daan. Hindi raw dapat nya ako sinunod. Sinisira ko raw ang balanse ng mundo dahil nagpapalinlang ako sa mga engkantong itim.

eh hindi ba't sila ang mga masasama? Dahil sila yung mga tao oh engkantong itim? Kumukuha sila ng buhay ng tao. Paano nilang masasabi na sinisira jo ang balanse ng mundo?

Nagsimula akong magsaliksik tungkol sa mga engkanto. Sinubukan ko ring kumausap ng mga taong may kaalaman dito. Isa rito si Andrew. Isang paranormal expert na bihasa na sa mga gantong pangyayari.

Unang kita pa nga lang daw nya sa akin ay alam na nya ang problema ko. At heto ang sabi nya:

Sa mundo ng mga engkanto, ang mga itim ang masasama at ang mga puti ang mabubuti. Pero sa mundo ng mga tao ay nababaligtad ito. Nag-iiba sila ng anyo, kulay at pagkatao upang makapanglinlang. Kaya nilang manipulahin ang mga panaginip.

Sa sitwasyon mo, ay minamanipula ka ng mga taong puti, upang iligtas ang mga taong nakatakdang mamatay upang masira ang balanse. Upang sila ang magwagi. Ang mga taong puti na ito ang masasama, dahil nga sa mundo natin, nababaligtad sila. Pinapalabas nila sayo na sila ang mabubuti. Na ang mga itim ang masasama.

Kaya namamatay ang isang tao ay dahil ito ang nakatakda sa kanya. Ngayong nagulo mo na ang balanse, masasabi kong nagtagumpay ang mga engkantong masasama sa iyo. Pero hindi sa pagkuha at pagdala ng mga kaluluwa sa impyerno. Dahil gumagawa pa rin ng paraan ang mga engkantong mabubuti para hindi magulo ang balanse.

Ma-iingat ka, dahil baka hindi mo na magustuhan ang mga susunod na pangyayari. Wag mong hayaang makuha ka nila..

Tulad ng sa una'y muli na namang gumulo ang isip ko. Hindi ko alam kung paanong nagulo ko ang balanse ng mundo. Dahil ba yun sa salamin? Oh dahil talaga sa akin? Ano bang dapat kong gawin?

Kung totoo ngang hindi mapipigilan ang kamatayan ng isang tao, bakit ako pinipilit ng mga engkantong masasama na pigilan ang mga ito?

Hindi ko na talaga gusto ang mga nangyayari sa akin. At mas lalo pa ang mga susunod...

PanaginipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon