CHAPTER 7:

478 22 14
                                    

Inalis ko lang ang salamin sa mata ko nang biglang pumasok si Mama ulit.

"Anak matulog ka na. Maaga pa tayong aalis bukas. Naalala mo? Pupunta tayo sa mang Lola mo dahil magpapasko na. Dun tayo mag'cchristmas." si Mama habang ibinibigay sa akin yung dala nyang basong may gatas.

"Opo Mama. Iinumin ko lang po itong gatas at matutulog na ko pagkatapos."

---------------------------------------------------------------------

Agad akong nahiga sa kama ko suot ang salamin. Nang hindi pa ako dinadalaw ng antok ay pinaglaruan ko ito. Ano kayang makikita ko kapag pabaligtad ko itong inilagay sa pagitan ng mga mata ko? Tanong ko sa sarili ko. Sinubukan ko upang malaman ko. Saktong may dumaan na magbabalot sa tapat ng bahay namin, itinapat ko sa kanya ang salamin.

Nahindik ako sa aking nakita. Isang naaagnas at butu-butong tao ang nakita ko. Gusto kong sumigaw. Pero hindi ako makasigaw. Biglang parang huminto ang pagtibok ng puso ko ng mga oras na yun.

Kaya't kahit hindi pa ako inaantok ay pinilit kong makatulog. Sa panaginip ko'y nakita ko ang matandang tinulungan ko. Nagsalita saya, Unti-unti mo ng natutuklasan ang mga kapangyarihan at kakayahan ng salamin. Gamitin mo ito sa tama. Limitado lang ang mga bagay na masasabi ko sa iyo, magagamit mo yan upang mailigtas ang iyong sarili, mga mahal mo sa buhay sa tiyak na kamatayan.

Pagkasabi nya noon ay nawala na sya kasama ng hangin. Napunta ako sa ibang lugar ng mawala sya. Nasa isang liblib na lugar daw ako. At dahil hindi ko alam ang gagawin ay tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa naihulog ko ang salamin sa kung saan. Sa aking panaginip ay hindi ko ito alam. Ewan. Pero parang nanunuod lang ako ng sine ng mga panahong yun.

Nang magising ako'y tanghali na. Hindi pa nga ko nakakapagayos ng mga gamit ko papunta sa probinsya naman namin sa Bataan. Inuna ko munang ayusin ang salamin. Nilagyan ko ito ng tali para maikwintas ko ito sa akin. Sunod kong inayos ang mga gamit ko.

Nang nasa byahe na kami ay mariin kong hinawakan ang salamin sa takot na baka mawala ko ulit ang salamin. Sa pangamba na baka magkatotoo na naman ang panaginip ko.

Maya-maya ay may tumatawag kay Mama sa telepono nya. Sinagot nya ito. Tapos ni'loudspeaker nya.

"Hello Mare, kilala mo yung magbabalot na palagi nating binibilhan ng penoy?" yung kausap ni Mama.

"Ou bakit Mare?"

"Na'hit and run daw kagabi. Ayun patay na. Kawawa naman."

Nagulat ako sa narinig ko. Yun yung magbabalot kagabi. Yung nakita kong buto buto na at naaagnas sa likod ng salamin! Yun ba ang ibig sabihin nun? Na mamamatay ang sinumang makita kong ganun? Natatakot na ako. Paano kung makakita ulit ako? Anong gagawin ko?

PanaginipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon