CHAPTER 5:

451 27 2
                                    

Pagdating ko ng school, hindi talaga ko mapakali at balisa pa ako. Napapansin na naman ito ng mga clasmates at teacher ko. Kaya nagdesisyon sila na ipadala na ako sa clinic. Absent noon si Mabel kaya si Karen ang sumama sa akin sa clinic. Pinagpahinga lang ako doon. Habang si Karen, hindi mapalagay. Parang may gusto itong sabihin sa akin. At hindi nga ako nagkamali...

"Rica.." si Karen na halatang kinakabahan. "Wag kang magagalit ha?"

"Ha? Bat ako magagalit sayo Karen?" nagtataka kong tanong.

"Eh.. Kasi yung salamin eh, nawala ko." naiiyak nyang sinabi sa akin. "Baka kasi magalit ka sakin kapag nalaman mo eh. Sorry Rica!" umiiyak na talaga si Karen

"Okay lang yun. Wag ka na ngang umiyak jan Karen. Inaantok ako. Matutulog muna ko ha? Pumunta ka na sa room. Tetext kita kapag gising na ko."

Agad naman akong iniwan ni Karen nung makatulog ako. Alam kong mababaw ang tulog ko. Kasi naririnig ko ang mga nurse na naguusap. Kaya alam kong hindi ako tulog talaga, na papasok pa lang ako sa mundo ng panaginip.

Maya maya'y napupunta na ako sa ibang lugar, pero may naririnig pa rin akong nagsasalita. Asan na ba ako? May ambulansya. Sino kaya ang laman nito? Maya maya'y bigla na naman akong dinala ng panaginip ko sa isang ospital. Public Hospital yun. Maraming tao. May mga pasyente ring nasa labas na ng corridor at naghihintay. Maya maya ay may dumarating na mga nurse at doktor. Hila hila nila ang isang kama ng pasyente. Tumabi ako sandali. Nakita kong ipinasok ito sa emergency room. Sumunod ako.

"Clear! Doc ayaw pa din po." Narinig kong sabi. Pero hindi ko makita yung ginagawa nila.

"2000. Clear! Doc, wala na po talaga. sabi pa ulit nung isa sa mga nurse.

"Sige tawagin na ang kaanak ng biktima." sabi nong doktor.

Nagalisan na ang mga nurse at doktor kaya't nakita ko ang pasyente. Nagulat ako sa nakita ko sapagkat namumukaan ko ang matandang ito. May hawak itong sulat sa kamay. Sya yung matandang nasagasaan kanina sa daan bago ako pumasok. Sya yung matanda! Umatras ako...

BLAAG!

Nabangga ako sa pader. Nagising na ako. Hingal na hingal. Nanginginig kong kinuha ang cellphone ko at tinext ko si Karen. Agad naman itong pumunta sa clinic. Ng mahimasmasan na ako ay umuwi na kami. Nanatiling magulo ang isip ko hanggang sa makarating ako ng bahay. Wala ang Mama't Papa ko noon kaya ako lang magisa sa bahay. Iniisip ko pa rin yung matanda. Anu yung hawak nya? At saan na napunta ang salamin?

Kinabukasan..

PanaginipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon