CHAPTER 10:

440 18 5
                                    

Dumilat na ako at takot na takot pa din. Nakita ko ang Mama na umiiyak. Si Papa naman ay yakap yakap si Mama. Hindi ko na gugustuhin pang tawagin ulit sila. Dahil sa nangyari. Hindi naman anghel ang pumasok sa panaginip ko kundi isang masamang nilalang.

Nangangamba ako ngayon dahil baka magkatotoo ang mga nakita ko sa panaginip ko. Na pati ang Mama't Papa ko, pati ang mga kaibigan kong sina Mabel at Karen ay kukunin nya kapag tinulungan kong magligtas ang mga taong puti.

Ngunit kung hahayaan ko namang maghari ang taong itim na yun, walang kaluluwa ang mapupunta sa langit. Kung hindi lang sana nabasag ang salamin, di sana'y nakikita ko agad ang mga mangyayari. Wala na yatang tutulong sa akin. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa mga susunod na araw. Pero kailangan kong ihanda ang aking sarili.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Naging mas mapanuri ako ng sumunod na mga araw. Lagi kong tinitignan ng mabuti ang isang tao, kung magiging kalansay ba ito, maaagnas, oh kung ano pa man. Pero wala pa namang nangyayaring ganon. Kaya pagkauwi ko sa bahay pagkagaling sa palengke ng  Bataan ay dumeretso na ako kay Mang Nestor. Alam na agad nya ang pakay ko kaya't heto ang mga sinabi nya:

Kapag nakakita ka oh nakasalubong ka ng taong halos kalansay na ay kausapin mo sya. Utusan mo syang magpalit agad ng damit paguwi nya at sunugin ang pinaghubaran nito. Kapag hindi sya naniwala sa sinabi mo'y ipilit mo sa kanya. Hawakan mo sya sa noo at magdasal ka, ang taong puti na ang bahala sa kanya. Ngunit kapag naunahan sya ng taong itim ay mamamatay sya. Pero may magagawa ka pa sana kung na sa iyo ang salamin. Dahil makikita mo kung sino ang kukuha sa kaluluwa nya. Ang tanging magagawa mo na lang ay mapaniwala sya na totoo ang sinasabi mo.

Paano ko ito gagawin? Baka ipakulong ako ng tao sa mental kapag ipinilit ko sa kanila na nagkakatotoo ang mga panaginip ko at nakikita ko ang kamatayan nila?

Habang naglalakad ako pauwi ay may nakasalubong akong isang pulubi na kumakain ng bunga ng mangga. Nung unang tingin ko ay maayos at tao pa sya. Nang tignan ko sya ulit ay nagiging bungo na ang kanyang ulo at bumabalik sa dati makalipas ang ilang segundo.

Tumakbo ako palapit sa kanya at sinampal ko sya. Ewan ko pero sinampal ko talaga sya. Sa sobrang gulat nya ay nabitawan nya yung mangga. Tumingin ito sa akin na parang nagtataka...

"Sorry po. May dumapo po kasi sa inyong lamok kaya nasampal ko kayo." pagsisinungaling ko. Sabay alis. Nang malayo na ako sa kanya ay muli ko itong nilingon. Nasa normal na ulit ang ulo nya.

Nakaramdam ako ng konting relief dahil nailigtas ko sa tyak na kapahamakan ang taong yun.

Nang makauwi ako sa bahay ay may nakita kong isang parang anino ng lalaki sa may gilid ng gate namin. Sinilip at inaninaw ko pa ito. Nagulat ako sa nakita ko! Yung taong itim sa panaginip ko! Galit na nakatingin ito sa akin! Parang nagbabanta! Kailangan kong balaan ang mga mahal ko sa buhay bago pa may mangyari sa kanila!

PanaginipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon