Limit Two: The Prisoner’s Mission
(1st Force - Amber)
“Raise, all in.”
Ay shete. Ano bang ginagawa niya? The bet was too much!
“Mr. Dale, all in.”
“Call, all in.”
“Mr. Nuggat, call. Gentleman, lay your cards up.”
Hinagis ni Eric ang hole cards niya. An Ace and a Jack. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako pinagpawisan ng ganito sa casino. Taeness. Kapag siya natalo dito, sasakalin ko siya ng bonggang-bongga. Ipapa-exile ko siya sa temple of kyeme at hahayaan ko siyang lapain ni Kimmy dora do’n! -___-++
“Mr. Nuggat, royal flush with an Ace of Diamonds and King of Diamonds. Mr. Nuggat wins the pot.”
Sa sobrang frustration nahampas ko yung wooden railing na sinasandalan ko. “Aw. Chakeeeettt.” <__<
Bwisit! Sinabi na kasing mag-ingat eh! Prodigy sa Casino ‘yang kalaban niya, magaling lang naman siya sa dayaan noh.
“Sorry.”
“Let’s just go.”
“Another ten million, Amber. Kaya kong talunin ‘yan. Sumali ulit tayo sa next game. Matatalo ko na siya.”
Ano raw? Nag-aadik ba siya? Tingin niya sa ZAFT mayaman? Kayang sustentuhan ang pang-sugal niya? “Ulul! Just be thankful na nabigyan ka na ng thirty million para ipatalo kay Nuggat! Tama na ‘yun!”
“But—”
A red Ford Mustang interrupted his plead. Mula doon ay bumaba si Grey. Napabuntong hininga ako. Anong ginagawa neto dito?
“Sabi ko naman sa’yo hindi mo’ko kailangang sundan.”
“Chill. I’m here for business not to nag you about being with Eric. Kailangan kita sa ampunan.” -___-
Tsk. Bumaling ako kay Eric. “Utang na loob, umalis ka na dito pagkaalis ko. Ikaw na magdala kay Nikita. Sasabay ako kay Grey.”
YOU ARE READING
The Life Of A Secret Agent In Full Force: Some Delicious Boundaries
RomanceSiya si Skylar Harcourt. Ang super sexy, super talino, super kiri, super mayabang at super sakit sa ulo na bounty hunter. Lahat na ng superlative, siya na yun. Isa nga siyang bounty hunter. Bounty hunter na naging bodyguard na naging myembro ng M...