Limit Twenty Five: To Where It Started

9.9K 200 17
                                    

Limit Twenty Five: To Where It Started

 

 

 

(9th Force – Skylar)

 

 

And when it rains, on this side of town it touches
Everything…
Just say it again and mean it.
We don’t miss a thing.

 

 

            Kahit ilang ulit pang mangyari ‘to, hindi pa rin ako masanay-sanay sa November rain. Sino ba namang masasanay eh simula nang pumasok ‘yang lechugas na buwan ng ‘Ber’ months ang lamig-lamig na ng kwarto ko. Tipong uulan ng kinagabihan tas pagdating ng umaga halos manginig ako sa lamig.

            Buti kung may lalaki akong kayakap. -___-++

You made yourself a bed
At the bottom of the blackest hole (blackest hole)
And convinced yourself that
It’s not the reason you don’t see the sun anymore

 

 

            *Beep-beep! Beep-beep!*

                 “Ugh.” =___=

            *Beep-beep! Beep-beep!*

            Anak ng tokwa namang selepono! Minsan na lang makapagpahinga ng lubusan bakit kailangang i-sabotage pa? “Hello!”

                 “Galet, galet?” leche. -___-++

                 “Hindi po, Chief. Baka lang po di n’yo marinig ng maayos, Chief. Nilalakasan ko lang po ang boses ko, Chief. Ano bang atin, Chief?” ang gulo ko. XD

                 “Get your ass down here, Harcourt. You have a mission.”

And no oh, how could you do it?
Oh I, I never saw it coming.
No oh, I need the ending.
So why can’t you stay just long enough to explain?

 

 

            Napabangon ako ng wala sa oras. Wala naman talaga sa oras. Alas syete palang. Eight pa dapat ako magigising at maliligo para pumunta ng gym at mag-work out ng mga roughly one hour pero alangya naman ‘tong si Chief Zack kung makatawag lang ng pwet (ass daw eh) walang pasintabi sa natutulog.

            Argh. What a way to start a Monday morning. =___=

                 “Katatapos ko lang hulihin si Howard sa operation nila ni Nuggat nung isang linggo, Chief. Sinaniban ka ba ni Mike Enriquez? Di kita tatantanan ang peg? Kainis ka naman eh.”

The Life Of A Secret Agent In Full Force: Some Delicious BoundariesWhere stories live. Discover now