PAKSA

95 5 1
                                    

PAKSA

Sa bawat tula na aking kinakatha
Ikaw ang syang palaging paksa
Sa likod ng matatamis na salita
Sa bawat letra at tugma
Nakalaan sayo bawat kataga

Ngunit hindi naglaon
Tinta ng panulat kong yaon
Naubos na't paksa'y tila di na naaayon
Nangapa sa letra't salita'y tila nabaon Mga tugma'y naging maalon

Sa pagkawala ng paksa
Pluma ko'y nawalan din ng tinta
Wala na akong mahagilap na mga salita
Ang dahilan kung ba't ako makata?
Ang syang dahilan ng aking pagluha

Mahirap magsulat ng walang paksa
Para kang gagawa ng bagay na di mo alam kung tama
Pilitin man itama
Ang mali ay sumpa
Sa huli ako din ang lumuha

Sa aki'y naging mahalaga ka
Kahit di ko malaman kung may kwenta ba o wala
Kaya't muli sa bagong pahina Sisimulan ko ang aking tula
Tula na hindi na ikaw ang magiging paksa

𝐏𝐨𝐞𝐦𝐬 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧Where stories live. Discover now