KALAWAKAN

74 3 0
                                    

KALAWAKAN

Sa ilalim ng makikinang na tala
Dalawang puso ang pinagtagpo
Sa bituin inukit ang tadhana,
Bakas ang matamis na pagsuyo


Saksi ang maliwanag na buwan sa kanilang pagmamahalan
Nagsilbing ilaw sa matarik na daan
Kalawaka'y naging pangarap na tahanan
Pinangakong isa't isa'y pagsisilbihan

Ginuhit sa kalangitan mga pangarap at kinabukasan
Magkahawak ang kamay na tinahak ang daan
Sabay hiling sa mga talang nagkikislapan,
"Sanay panghabang buhay na ang ating pagmamahalan"

𝐏𝐨𝐞𝐦𝐬 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧Where stories live. Discover now