YAKAP

41 2 0
                                    

YAKAP

Payapa, ligtas at masaya
Kay gaan ng pakiramdam sa tuwing nasa mga bisig nya
Bawat haplos ay ramdam ang pag ibig na tila panghabang buhay na
Sa higpit ng yakap kapani paniwalang di ka na pakakawalan pa

Bawat tuwa, lungkot at luha
Yakap nya ang sumasalo sa emosyong nagpapabagabag- nagsasabing "mahal di ka nag iisa"
Hindi nga ba?

Dumating ang paglubog ng araw
Matatamis na ngiti mo'y hindi na natanaw
Sakin ay tuluyang naging malinaw
Yakap mo'y di lang pumapawi sa ginaw

Hindi ka na sigurado
Hindi mo na nakikita ang hinaharap kasama ako
Mga pangako ay naglaho
Lahat ba'y isang biro?

Takot, kaba at galit
Sobrang higpit ng iyong pagkakakapit
Bisig mo'y tila naging rehas- nakulong ako't nagpupumiglas
Yaong sagot kung bakit tayo nagwakas

𝐏𝐨𝐞𝐦𝐬 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧Where stories live. Discover now