PAGOD

70 3 2
                                    

PAGOD

Alam kong kasalanan ang magpatiwakal
Subalit bakit mas mainam ang bawal?
Sa kasalukuyan kong sitwasyon
Wakas ang syang nakikitang solusyon

Bakit sobrang bigat ng parusa?
Oo makasalanan ako ngunit ako nama'y humihingi ng kapatawaran, hindi ba?
Buong gabing nagdarasal at nagsusumamo
Bakit pasakit pa rin ang natatamo?

Ilang ulit man akong magtanong ng bakit
Sakit lang rin ang nagiging kapalit
Sa luha at pighati ako nanatiling nakapiit
Pagkatao ko'y unti unting pinupunit

Pagod na ako
Mayroon bang pwedeng magsabi kung ano ang dapat na gawin ko?
Heto ako't dahan dahang binubungkal ang magiging libingan ko
Dito na magwawakas ang aking kwento

𝐏𝐨𝐞𝐦𝐬 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧Where stories live. Discover now