Kabanata 10

1.6M 35.9K 12.7K
                                    

Warning: Medyo SPG

--------------------------

Kabanata 10

Oh My Gosh

The party's a blur to me. Siguro ay dahil sa pagod sa byahe at sa pag iisip ay mabilis akong natamaan ng shots. Sa sasakyan ni Anton ay nakatulog na ako. Binuhat na lang yata ako ni Adrian patungo sa aking kwarto ng madaling araw. Nagising ako na tanghali na dahil sa pag ri-ring ng cellphone ko.

"Hello." Kinusot ko ang mata ko.

"Are you coming over or what? I'm leaving, Avon. Sa loob ng limang oras."

Halos binalikwas ko ang kumot ko sa pagmamadali. Kahit na ang sakit sakit pa ng ulo ko ay mabilis akong naligo, nagbihis, at kumain para pumunta lang sa condo unit ni Adrian kung nasaan naroon din ang ilan pa naming kaibigan.

"I'm gonna miss you." Sabay yakap ko kay Adrian.

Tumili pa ang iilang kaibigan namin at pinagkanulo kami sa isa't-isa. Kumindat pa si Yves, isa sa mga kaibigan namin. Kaming dalawa lang yata ni Jessica ang talagang nakakaalam sa tungkol kay Adrian.

"Sagutin mo na kasi." tukso ng iilan pang mga kaibigan namin.

Ngumiti lang ako at nagkunwaring may ugnayan nga kaming dalawa ni Adrian. Inakbayan naman ako ni Adrian ng nakangiti at nagawa pang bumulong.

"Mahusay kang artista, Aurora. Why don't your try it with Brandon?" He smirked.

Umiling na lang ako at naisip na ba-byahe na nga pala ako ngayong gabi pabalik sa Tagaytay. Wala pa nga ay naho-homesick na ako.

Kwentuhan at kung anu-ano pang biruan ang ginawa namin sa condo unit ni Adrian. Pagkatapos ay nagdesisyon ang iba na magpaalam na dahil sa mga gagawin nila. Humihikab ako at nakipag kasundo kay Jessica na ihahatid namin si Adrian ngayon sa NAIA. Pagkatapos ay uuwi na ako sa condo para mag impake ng iilang damit pandagdag sa naroon na sa dorm bago ako tutulak ng Tagaytay.

Tulog ako sa byaheng pa Tagaytay. Iniisip ko ang mga bilin ni Adrian at Jessica na wag masyadong maging matigas kay Brandon. I know it's my nature. But if I want something this bad, I'll forget about my nature. This time, it will all be lies.

"Welcome back, Miss Aurora Pascual! Kabado po kami baka di ka na bumalik," ngisi ng nasa hall ng dorm pagkabalik ko.

"Bakit mo naman nasabi?" Ngisi ko.

"Tawag nang tawag si Mr. Romualdo. Bukas na kasi 'yong anniversary at inaasahan kang isa sa mag manage sa kitchen, hindi ba? Kaya ayon, kabado sila."

Umiling ako. "Kung di ako bumalik, marami namang pamalit. Marami silang managers dito."

Pagkarating sa kwarto ay abala ako sa pag aarrange ng gamit na mga bago. Pagkatapos ng ginawa ay tumawag agad ako kay mommy para mangumusta. Nalaman kong naroon kina tita siya sa gabing ito dahil birthday ng pinsan kong si CJ. Inanyayahan din siyang doon na matulog.

"Avon, you're mom's feels better when she's not alone. Hindi parin ba natatapos ang kaso ng dad mo?" Tanong ni tita Alexandria sa akin.

One Night, One Lie (GLS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon