Kabanata 22

1.3M 36K 13.1K
                                    

Kabanata 22

You're Right

Sa labas pa lang ng restaurant kung saan kami magkikita ni Arielle ay nahagilap na siya ng mga mata ko. Naka upo siya ng naka patong ang kaliwang hita sa kanan. Pulang maiksing tube dress, matingkad sa sinag ng araw sa umaga. Umiling ako at tinahak ang hagdan na siyang magdadala sa akin sa loob non.

Pinagbuksan ako ng security guard at binati pa ako ng magandang umaga. This better be fast. I have a flight to catch!

Ngiting ngiti si Arielle habang pinagmamasdan ang menu at sumusulyap paminsan sa labas. She's expecting her prince charming. I'm sorry to break it to you, bitch, but the I'm here to slap you with the reality.

"Good morning, Arielle," sabi ko sabay upo sa upuang nasa harap niya.

Napawi kaagad ang kanyang ngiti. Umayos siya sa pagkakaupo at nilapag ang menu. Kinuha ko ito at naghanap ng makakain.

"I'll have the best breakfast, please. Gutom kasi ako. And a shot of espresso." Ngiti ko sa waiter. Naglahad ng kamay ang waiter para sa order ni Arielle ngunit umiling lang siya sa gulat. I shooed the waiter away with my order and then I faced her.

"Where's Brandon?" Nahimigan ko ang alarma sa kanyang boses.

"Oh he's still in Tagaytay. Don't worry, he's fine." Sarkastiko kong ngiti.

"Tagaytay? Sinabi niya sakin kagabi na magkikita kami dito?" Agad siyang tumingin sa kanyang cellphone.

I don't care. Kung malaman man ni Brandon ngayon na nandito ako ay wala na rin siyang magagawa. Aalis na ako bago pa siya makaapak sa Manila.

"Arielle Zalea Garcia, isn't it?" Nanginig ang boses ko sa galit. Huminga ako ng malalim at inipon ang natitirang lakas para mapigilan ang sarili ko sa pagsabunot sa kanya. "I am so tired of this game. Ginawa ko ang lahat para lang malaman ang lahat at ito lang pala 'yon, walang kwenta." Sabay ngisi ko.

Nagtaas siya ng kilay at natigil sa kanyang cellphone. "Ginawa mo ang lahat? So... you did go to The Highlands to find some information about me. And I can see that you've succeeded?" Tumalim ang kanyang tingin. "Sinabi ba ni Brandon ang lahat ng ito sayo?"

Nagtiim-bagang ako. Tinagilid niya ang ulo niya at naghintay ng sagot. Hindi ko nalaman kay Brandon iyon ngunit sa kagustuhan kong masaktan siya ng husto at magkabuhol ang lahat ay hindi ako magpapatalo. Pride's what's only left of me. From this day on, I have to accept that things between my father and I would never be the same again no matter how hard I try. My life is scarred forever. But I will never let that scar ruin the entirety of my being. Nor would I let Brandon and my feelings for him cloud my thoughts. I am better than that. I was, still am Aurora Veronica Rama Pascual, fierce and unwavering.

"Oo." Lumaki ang ngisi ko nang nakita ang kamandag ng aking sagot sa kanyang mukha. "You think Brandon would never tell your secret to anyone? Nagkakamali ka, Arielle."

Kakaibang ligaya at galit ang naramdaman ko nang nakita ang panlulumo sa kanyang mukha. I don't care if I go to hell for this. Hindi naman ako pang langit.

Hindi siya makapagsalita sa sinabi ko. Bigo na ang tanging taong siguro'y inasahan niyang hindi mababali ay baling bali sa ngayon. "Sinabi niya sa akin na hayaan ka na lang sa mga katangahan mo dahil inaalipusta ka ng pamilya mo." Umiling ako. "But no... I will never let you have my father."

One Night, One Lie (GLS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon