Kabanata 20

1.9M 39.6K 15.9K
                                    

Warning: SPG

-----

Kabanata 20

Sweetheart

Kumikirot ang puso ko habang naiisip ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Hindi nga umalis si Brandon kahit na ilang beses ko itong nahuling tinatawagan na ng kanyang mommy. I feel responsible for it.

Natatawa ako habang tinitingnan siyang nakikisalamuha sa mga kaibigan ni Mr. Romualdo sa puso ng Country Club. Ayaw niya sanang umalis sa tabi ko nang pinilit siya ni Mr. Romualdo na ipakilala sa isang sikat na designer kaya sumama ako sa pamimilit. Sinabi kong magiging maayos ako doon.

Sumulyap si Brandon sa akin ng nakasimangot. He did not like the company. Nginiwian ko siya at natawa na lang ako. Tiningnan ko ang pangatlong shot ko ng Bourbon. Ubos na iyon kaya nilinga ko ang mga waiter na malayo naman sa akin.

Tumayo ako para humagilap ng isa pang shot. Sa biglang pagtayo ay ramdam ko ang pag alon ng aking paningin. Indeed, I am tipsy. Pinasadahan ko muli ng tingin ang mga bisitang nagtatawanan. All filled with scorching hot male models, konting babae, at maraming maraming bi at gays na siyang inasahan kong majority na bisita rito.

The other managers looked so out of place kaya sa isang mesa kaming umupo. Ngayong titiwalag ako para mag hanap ng Bourbon ay nagpaalam muna ako.

Napagawi ako sa long table kung nasaan ang deserts. Kumuha ako ng marshmallow at ni dip iyon sa chocolate fountain. Luminga ulit ako para sa waiter pero nakita kong nasa malayo iyon.

"Looking for something?" Tanong ng isang mukhang modelong lalaki.

Perpektong anggulo ang hubog ng kanyang panga at tulad kay Brandon, kulay chocolate brown ang buhok, iyon nga lang maiksi at may pang lalaking tupi.

"Yeah." Ngisi ko. "Hinahanap ko 'yong waiter. I want drinks."

Tumango siya at may sinenyasan sa likod ko. Bago pa ako nakalingon ay may kinuha na siya galing sa naglalahad ng tray. "I hope you like vodka." Sabi niya.

"I was looking for more Bourbon but this will do." Ngiti ko sabay tanggap ng kanyang nilahad na vodka.

Nilagok ko iyon ng isang bagsakan. Hindi naman ako masyadong naglalasing ano? Binaba ko ang baso at nilagay sa tray nong waiter at kumuha pa ng isa.

"Whoa! Naglalasing?" The model chuckled.

Umiling ako. "Just enjoying."

"You look familiar. Have we met before? Are you Peter's friend?"

Nagulat pa ako nang banggitin nito ang pangalan ni Mr. Romualdo ng ganon. Hindi ako sanay. "We're colleagues. He's our general manager." Sabi ko.

Tumango siya. "Oh! Pero mukhang pamilyar ka talaga sa akin? Ever worked on a modeling stint or something?"

Ngumiti ako. "Noon, oo. Ngayon, hindi na masyado."

"Sabi na nga ba. Kahit malayo, pag babaeng kalibre mo ang ganda ay hindi nakakalimutan."

Umiling ako. "Bolero." At nilagok pang muli ang vodka.

He raised another hand for the waiter. This time, iyong tray ng bourbon ang lumapit kaya nasiyahan ako ng husto. Kahit na alam kong hindi na tama ang pag inom ng ganito ka rami, I needed it. I need the courage alcoholic drinks can give me. At least that's what I think.

One Night, One Lie (GLS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon