Kabanata 7

1.6M 36K 10.9K
                                    

Kabanata 7

Purely Business

Nagtawanan na lang kami pagkatapos kumain. May wine pa siyang nilagay sa wine glass ko. It's delicious. Well, you can't expect a foul taste from him.

"Nakapunta ka na ba sa Peak?" He asked, papalabas kami sa kanyang villa.

Umiling ako. "Clubhouse at dorm lang ang napuntahan ko dito. This is my first rest day."

Tumango siya at pinagbuksan ako ng pintuan. "Thank you."

"Then we'll go there." Aniya.

"Please." Ngiti ko bago niya iyon sinarado.

Nauna kami sa Peak. Hindi kami nagtagal doon. Tinanaw ko lang ang buong Highlands na napakalawak. Ilang pictures ang ginawa ko sa lugar.

"You want me to take your picture?" He offered.

Tumango ako at nakisama na rin.

Pagkatapos namin doon ay sumakay ulit kami sa kanyang Benz. Inanyayahan niya akong sumakay ng Funicular. Noong una ay ayaw ko pa dahil natatakot ako sa heights.

"Didn't know you're scared of something." Tawa niya.

"E, ikaw? Hindi ka ba natatakot?" Tanong ko.

Umiling siya at pinarada ang sasakyan.

"I'm sure you're afraid of something." Tinagilid ko ang ulo ko.

"Interesado kang malaman, huh?"

Tanaw ulit ang buong Highlands nang sumakay kami sa Funicular. Maging ang taal lake ay kitang kita mula roon. Nanginginig pa ang tuhod ko sa takot dahil nasa ere kami.

"You really are afraid of heights!" Bulong ni Brandon habang tinitingnan ang tuhod ko.

Hindi ako umimik. Kinuha niya ang kamay kong nakapatong sa tuhod ko at hinawakan niya ito. Nag angat ako ng tingin sa kanya. He's hitting on me, alright? I need to get a hold of myself.

Pinagtitinginan na kami ng mga taong nasa loob doon. May matandang babaeng nakangiti pa sa amin sa kabilang side.

"'Nong buhay pa si Mario ganyan din kami ka sweet." Nakangiting sinabi ng matanda.

Nilingon siya ni Brandon at sabay na lang kaming ngumiting dalawa.

Pagkababa namin sa funicular ay nakahawak parin siya sa kamay ko. Napansin ko iyon habang siya ay nag iiwas ng tingin at pinapasadahan ang tanawin.

"Let go, Brandon." Sabi ko.

"What?" Nilingon niya ako. His sexy smirk showing.

"Let go of my hand." Sabay tingin ko sa kamay niyang hawak hawak ang kamay ko.

"Oh! Right!" Tumawa siya.

Umiling ako at nilagpasan siya. Oh, damn it, Avon! Your maldita side is showing again!

"Ang sungit!" Tawa ni Brandon hanggang sa nakarating kami sa Midlands.

One Night, One Lie (GLS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon