Ika-18 Kabanata : THE TRANSFORMATION-Part 1 (The Way to Beauty)

553 17 11
                                    

THE TRANSFORMATION - Part 1(The Way to Beauty)

Nagising ako sa liwanag ng araw na tumatagos mula sa glass door ng veranda ng kwarto ni Vince.

Late na. Hindi agad kasi ako nakatulog kagabi dahil sa sama ng dinaramdam ko.

Nakita ko pa nga si Vince na umuwi kanina pero nagpanggap akong tulog na.

____________________

Pagdating ko sa Dining area, nakita ko si Vince at parents nya na nag-aalmusal.

Napatingin sakin si Vince at tumayo.

Akmang hahalikan nya ako sa pisngi bilang pagbati kaso iniwasan ko lang toh.

Napansin yun ng mommy at daddy nya.

Napatingin lang sakin si Vince na tila nagtatanong kung anong problema.

Inirapan ko lang sya at naupo sa mesa.

“Iha, kain na. Anung gusto mo?” biglang tanong ng mommy nya.

“Thanks po, mommy, pero di po ako nagugutom. Papasok na po ako kasi baka malate pa, eh Monday pa naman po ngayon.”

“Hindi ka man lang ba kakain Athena?” tanong naman ng dad nya.

“Hindi na po dad. Thanks po. Alis na po ako.”

“Honey, may problema ba? Parang ang tamlay mo kasi eh.” biglang tanong sakin ni Vince.

Tiningnan ko lang sya.

Ang kapal naman ng mukha ng lalaking toh. Pagkatapos nya akong paghintayin kagabi, tatanungin pa nya ako kung may problema.

Kung di nga naman…..

Kainis.

“Hintayin mo na ako. Sabay na tayo.” Aniya.

“Hindi na. Magtataxi nalang ako.” sabay tayo at alis.

Hindi ko talaga pinansin ang alok nya at dirediretso akong umalis ng bahay.

Ang mommy at daddy nya, tila nagtatanong sa isa’t isa kung anong nangyayari samin ni Vince.

Bago pa ako makalabas ng bahay bigla akong pinigilan ng mommy nya. Hinabol kasi ako nito.

Marahil hindi makatiis sa nangyayari samin.

“Athena, anak, may problema ka ba?” tanong niya.

Hinarap ko ang mommy nya.

Tinitigan. Maya-maya lang, bigla ng tumulo ang aking mga luha.

Bigla nalang niya akong niyakap ng mahigpit. Dama ko mula sa mommy niya ang lungkot niya para sakin.

“Sorry iha.. Sorry.” Mahinang pagkakasabi nito sakin at lalo pang humigpit ang yakap nito.

Binitiwan nya na ako at hinayaang makaalis.

Nilingon kong muli siya at nakitang nagpahid din ng luha sakanyang mga mata.

__________________

{ MOMMY AND DADDY’s POV }

“Hon, natanong mo ba kung bakit nagkakaganun si Athena?” dad.

“The common thing na pinag-aawayan ng mag-asawa, honey.” Mom.

“Jealous? Third party? Pasaway talaga yang anak mong yan.”

“Hindi ko alam. Pero hindi naman kasi natin maikakaila sa ating anak na habulin talaga sya ng mga babae. Alam mo namang mana yun sayo.”

WANTED : PERFECT HUSBAND (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon