Ikaanim na Kabanata: Ms. Perfect Wife???

534 12 5
                                    

Papalabas na ako ng opisina para puntahan si Vince ng biglang dumating si Vanessa.

"Athena, nakita ko yung..." bigla syang natigilan ng makita nya akong papaalis. "San ka pupunta?"

"Huh??" sagot ko na parang wala sa sarili.

Hindi na sya muling nagtanong at sabay na kaming lumabas.

Mula ulo hanggang paa pa din ang tingin sakin ng mga staff ko.

Ang mga nakakasalubong namin, ako ang pinag-uusapan.

"May Idea ka ba kung sino ang gumawa nito?" tanung ni Vanessa.

"Huh???" sagot kong muli sa kanya.

"Ayos ka lang ba, Athena? Hindi na kita makausap ng matino ah."

"Sorry ha? Marami lang talaga akong iniisip."

"Okay, okay. Naiintindihan kita. Don't worry andito lang ako at kaming mga kaibigan mo para sayo."

"Salamat." yan nalang ang tanging nasagot ko sa kanya.

Nakadating kami sa opisina ni Vince.

"Okay ka lang ba? Gusto mo samahan kita sa loob?" si Vanessa.

"No, I can handle this. Don't worry, okay?"

"Okay. Basta, dito lang ako, hintayin nalang kita dito."

"Sige ikaw ang bahala."

At pumasok na ako sa loob ng opisina.

Nakita ko sa Vince na malayo ang tanaw sa glass-window ng opisina nya.

Mukhang ang lalim ng iniisip nya.

"Good afternoon, sir. Pinapatawag nyo daw po ako."

"Oh, yes Ms. Sandoval. Take a seat."

Naupo ako. Naupo din sya.

"Pinatawag kita dahil dito." sabay bukas ng laptop nya.

Nung tinapat nya sakin yung laptop, napapikit ako dahil hindi ko kayang makita ang magiging reaksyon ni Vince dun sa mga pictures na yon.

"Is there any problem Ms. Sandoval?"

Dinilat ko ang isa kong mata.

Pagtingin ko, bumungad sakin yung FS ng isang branch namin.

Dinilat ko na din yung kabila.

Hayssst... FS lang pala yung papakita nya, kala ko naman kung ano na.

Kahit papaano, nakahinga ako ng maluwag.

"Yes, sir. May katanungan po ba kayo dito?"

"Actually, I don't have any questions. May gusto lang sana akong ipagawa sayo and I need that before the board meeting."

"Yes sir. { kahit ano basta ikaw^_^ } Ano po ba yung ipapagawa nyo?"

"Make a study regarding this branch." sabay tayo nya at tinging muli sa bintana." Its income is always breakeven. I want you to find out what is the problem and what will be our resolutions."

"Okay sir, I got it. Yun lang po ba?" tanong ko sa kanya na para bang naghihintay pa ako ng kasunod nyang sasabihin.

"Yeah, that's all. Bakit meron pa ba akong dapat sabihin?"

"Ah, wala naman sir. Sige po lalabas na po ako."

"Okay."

Papalabas na sana ako ng pinto ng biglang.....

"Ms. sandoval, one more thing." pahabol na tawag nya sakin.

Nung tinawag nya ulit ang pangalan ko, biglang nagpantig ang tenga ko.

WANTED : PERFECT HUSBAND (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon