Ika-16 na Kabanata : Athena Vs. Veronica

517 17 8
                                    

ATHENA vs. VERONICA

“Just go on Athena. Cry as long as you want then after that you must be stronger.” mahinahong sabi sakin ni Vannesa habang yakap nya ako at pinapakalma.

Maaga pa lang pumasok na ako sa trabaho.

Hindi na nga ako nakapagbreakfast para makaalis lang ng maaga.

Tulog pa din si Vince ng umalis ako sa bahay.

Bago ako matulog kagabi tinext ko si Vanessa para pumasok ng maaga. Hindi ko na kasi kaya itong sakit na nararamdaman ko.

If I still keep it…it will explode. And I don’t want it to happen.

“I know. I know. Dapat nung una, nakinig na ako sa inyo pero binalewala ko lahat ng paalala nyo sakin. I’m so stupid. Really stupid.” Sabi ko habang patuloy ang pag-iyak.

“Don’t blame yourself Athena. Naiintindihan ka namin. Love is all that matter. Kaya, kahit anu pang pagpapakasakit ang gawin mo ay maluwag mong tatanggapin dahil sa pagmamahal mo kay Vince.” aniya. At lalo pa nyang hinigpitan ang yakap sakin.

“But…. Athena, lahat ay may hangganan.” Nilayo nya ako sa pagkakayakap upang iharap ako sa kanya. “Siguro naman, it’s time for you to search a man that you can say yours. Open yourself to someone. Give them a chance. Malay mo sa kanila mo pala mahahanap ang true love at hindi kay Vince.”

“Vanessa. I can’t..”

“Yeah.. I know. May kasunduan kayo ni Vince, but…hindi naman pwedeng buong buhay mo ay itatali mo sa kanya. Don’t let him run your world. Maging fair ka naman sa sarili mo Athena. Don’t be selfish. Kung si Vince nga hindi naiisip ang nararamdaman mo at masaya pa syang nakikipaglandian dun sa Veronicang yun, ikaw pa kaya?”

“I don’t know Vanessa. Kahit anung utos ko sa sarili ko na magmahal ng iba, hindi ko kaya. Ewan ko ba…. Kung di rin lang si Vince huwag na lang.”

“Hay naku girl! Sinasabi mo lang yan dahil hindi mo pa nasusubukan.” Tumayo siya at kinuha ang laptop nya.

Binuksan nya ito at iniharap sakin.

“You see this file? Ifoforward ko yan sayo. Basahin mong lahat yang resume na yan.” Aniya.

“Huh? Para san naman toh?”

“Yan ang mga guys na nagsend ng resume nila sa ads na ginawa ni Hannah. Still remember??? Wanted: Perfect Husband?”

“Oo naman. Pano ko makakalimutan yun eh yun yung naging reason kung bakit nagulo ang mundo ko.” taas kilay kong sagot sa kanya.

“Good. Akala ko hindi mo na natatandaan eh. Anyways, mamili ka na jan kung sino ang gusto mong makadate this coming Sunday.”

“Whaaat??? Date kaagad?”

“Oh, yeah. Dapat mabilisan na ito. Nakared alert na nga ang warning namin eh. Remember the deadline????”

Oh my….

Sh*t… Still the deadline!

Mas masahol pa tong deadline na to compare sa deadline ng FS ko.

Haaaysss…

T_T

“Huwag ka ng magreklamo jan! Cheer up! Makakakita ka ng mas hihigit pa jan sa Vince mong yan!” aniya sabay tayo sa kinauupuan nya.

Punung puno ng determinasyon nya akong hinawakan at itinayo sa kinauupuan ko.

Pinunasan nya ang mga luha ko.

“Athena, we will do the best to find you A PERFECT HUSBAND!” harap-harapan nyang sinabi sakin na pinagdidiinan ang mga salitang yon.

Haaysss…

WANTED : PERFECT HUSBAND (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon