Chap (47) - A Botanist Birthday [2]

5.1K 153 34
                                    

|DENNIS|

 

Di na ako naka-imik pa ng binuhos niya yung nararamdamang galit sa akin. Totoo naman lahat ng sinabi niya.

Hindi niya deserve ang isang tulad ko #-___-

 

Mag-isa akong naglakad habang iniinda ang sobrang sakit at kirot ng sugat sa aking tuhod. Nang makarating ako malapit sa may puno ng akasya ay nagpahinga na muna ako. Naupo ako dun sa Bench.

Hmmmmmm may naaalala ako sa lugar na to. Dito kadalasan nagkikita kame ni Chu :’<

 

Natatandaan ko pa dito kame nagkikita tuwing maaga, bago ang oras ng klase. Marami na rin kameng nabuong ala-ala sa upuang ito.

“Dennis?”—Hawak-hawak ko yung tuhod ko ng maringig kong may tumawag sa akin. Pagtingin ko ay nakita ko si Xavier, nakatayo ito at parang ang lungkot ng pagkakatitig.

“Anu okay ka na ba?”—Bigla niyang hinaplos ng bahagya yung tuhod ko na may sugat. Nakakapag-taka paano niya nalamang..

“Uyyyy dennis?”—Tumingala siya patingin sa akin. Ako naman nagtataka parin #?__?>

“May kausap ba ako?”

“Ahhhh ehh anu bat ka ba nandito? Kakagulat ka ahh”—Sabi ko sa kanya habang nakatingin na rin dito. Bigla siyang ngiti at umupo sa tabi ko.

“Hinahanap kase kita, pinuntahan kita sa room niyo pero hindi kita nakita dun..”-- Sumimangot siya ng bahagya, Pero biglang ngiti ulit.. May isang Dimple akong nakita! (∩∩)

“Pero nakasalubong ko yung kaibigan mo, yung maganda? Yung binigyan mo ng isang bonsai”

“Ahh si Joey ba tinutukoy mo?”

“Ahh siya nga. Kaya nabalitaan ko yung nangyari sayo, okay ka na ba?”

“Paano mo nalaman na nadito ako?”

“Basta sabi ng puso ko..”

Huh? Anu dawww?

“Ikaw ahh nagpaparamdam ka nanaman.”—Tinitigan ko siya ng malagkit. Hehehe wala nakakatuwa lang siya nakakawala ng lungkot, stress, depression at kung anu-anu pang negative vibes dito sa katawan ko.

Ang cute niya! ℰ⋆‿⋆ℰ

“Hehe.. ang totoo niyan nagbabakasakali akong on the way ka palang, kaya gumala-gala ako dito. Ayun nga nakakita ako ng pilay.. Sabi ko sa sarili ko ‘Ay si Dennis na yun ang dakilang pilay’..”—Tumawa ito ng tumawa.

SUBDIVISION SCANDAL II 💚❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon