Chapter 13: True love is Letting Go. :(

534 18 5
                                    

Harah's P.O.V.

                 Makalipas ang maraming taon,matapos kong marinig ang masasakit na salita na binitawan ni Hero sa akin ay natauhan din ako. Masaya na ako ngayon sa buhay ko at masasabi kong nakapag move on nadin ako sa kanya kahit papaano.. May nakapagsabi kasi sa akin na to love someone is to let go. True love is letting go daw kaya hindi ko  na ipinilit ang sarili ko kay Hero.. It's been 5years simula ng nagising siya at nilabnan niya ang azlheimer disease niya.

                        Kahit masakit man isipin na sa 5taon na iyon, sa 5taon na paghihirap niyang labanan ang sakit niya ay hindi ako ang nasa tabi niya kundi si aryana,kailangan ko pa rin iyong tanggapin.. Sapat na siguro yong kahit isang araw ay naging kami ni Hero. Siguro nga hindi kami ang nakatadhana sa isa't-isa.. Maybe he is destined to someone and same as me.. Maybe we are just mean to meet each other but we are not meant to be together.

"Harah tarah na? Baka mahuli tayo sa libing " inabot ko ang mga kamay ni Yuki at pumasok na kami sa sasakyan niya.. SI yuki ay ang lalaking tumulong sa akin na mag move on... Siya yung lalaking nakilala ko sa hospital.. Yung sa rooftop? Yung lalaking sumira ng pag mo-moment ko.. Yung lalaking inakalang magpapakamatay ako.. Siya na ang boy friend ko ngayon..

Ang swerte ko nga sa kanya eh dahil mahal na mahal niya ako.. Kahit may lukemia siya,kailan man ay hindi siya nagpakita sa akin ng sinyales na sumusuko na siya.. Patuloy pa rin siyang nagpapagamot ngayon at umaasang gagaling dahil plano pa daw niyang pakasalan ako.. Sana nga tumagal pa ang buhay niya.

"Andito na tayo" bumaba kami ni yuki sa sasakyan niya at pumunta sa libing.. Matapos ang mass ng priest ay isa-isa na kaming pumunta sa harapan para mag share ng message namin.

Unang pumunta sa harapan ay si William.. Namumugto ang mga mata niya at halatang lubos ang pighating nararamdaman niya.. SIno ba naman kasi ang mag-aakala na ang bangkay na pinaglalamayan namin noon ay dating isang genius na akala mo ay malusog.. Kahit medyo nakakainis siya na tao at kahit medyo pilosopo siya ay mahal pa rin namin siya.. Minsan ko na din siyang minahal..

"Bro,ang daya mo kasi iniwan mo kami. Akala ko ba mahal mo ako? Akala ko ba mahal mo kami? Akala ko ba genius ka? Pero bakit ang tanga mo.. Bakit iniwan mo kami ng ganito,wala ka man lang notice.. Salamat sa puso mong ibinigay mo sa akin Bro ahh! Pangako ko sa iyo,hindi ko ito sasayangin.. SALAMAT sa iyo at nagkaroon ako ng pangalawang pagkakataon na mabuhay.. Huwag kang mag-alala,tutuparin ko ang bilin mo sa akin na aalagaan ko si Harah at huwag siyang pababayaan.. Huwag kang mag-alala bro,hindi ako papayag na sasaktan siya ng  kahit sino " habang nakikinig ako kay william ay hindi ko maiwasang mapaiyak din kagaya niya.. Kasi hindi ko ini-expect na ganun pala ang care niya sa akin.. Buong akala ko ay nakalimutan na niya ako.Akala ko jokes lang lahat ang alam niya pero ang totoo pala,he really cares about me.. He is truly a man!

Sumunod na nag message ay si Aryana,NGUMITI siya sa akin kaya nag nod lang ako.. Namamaga din ang mga mata ni Aryaana.. SIno ba naman kasi ang hindi iiyak ng tod0-todo.. Matagal din silang nagkasama.. Halos araw araw din silang nagkikita,,

"Hi guys.. Ano, kahit na boba ako ay mahal pa rin niya ako.. Akala ko nga noon wala kaming pag-asa na magkasundo pero bigla siyang bumait sa akin.. Naging magkaibigan din kami.. Masakit talaga sa akin na tunghayan siya sa lamay niya ngayon dahil ako ang parati niyang kasama *Sobs* Ano ba yan, naiiyak ako! Basta ang message ko lang sa kanya, sana dumiretso na siya sa heaven at huwag ng dumaan sa ibang daan kasi baka alam niyo na " nagtawanan kaming  lahat dahil na gets namin ang joke ni Aryana.. Matapos mag message ni Aryana ay nag message na din ang iba pa naming officemates, sila Marian,Yam at marami pa.. Pati nga ang iba naming college friends na kilala niya ay nag message na rin.. Last na tinawag ay ako.. Huminga muna ako ng malalim bago tumayo..Nang nasa harapan na ako,inayos ko ang aking sarili at tumingin sa mga mata ng mga tao.

FLAMES (Short Story )Where stories live. Discover now