Chapter 2: Feel At Home -_-

904 26 0
                                    

Harah's P.O.V.

Nagpaalam na si William sa amin kasi may pupuntahan pa sila ng lola at kapatid niya. Akalain niyo yun, kapatid at lola niya pala yung tinulungan ko kanina sa daan.

Iyon na ba ang tinatawag nilang destiny?

Pinagtatagpo na  ba kami ng tadhana?

"Stop day dreaming ,it might cause a storm" ang oa talaga nitong si Hero,kahit kailan! May pa idiom-idiom pa siyang nalaman,tsk.Storm agad? Hindi pwdeng umulan muna?

"Mind your own business jerk " inirapan ko siya. Kailan kaya to babait sa akin?

"You are my business,don't you know? " napakunot ako ng noo sa sinabi niya. Sira ata to eh,bumabanat pa,waley naman.. Masyadong luma, mabiro nga.

"Really? " I asked him whith a sexy voice.. Unti-unti akong lumapit sa kanya at tinitigan ang bawat sulok ng mata niya.. Napansin kong pinagpawisan siya kaya mas nilapit ko pa ang mukha ko sa mukha niya, I guess half inch na lang yung distance.

"Stop seducing me Harah,you are not attractive"  mahinang reklamo niya while pinapahid ang mga pawis niya sa forehead.

"I'm not your mirror Hero,don't you dare to say that. " I whisphered at him ,tapos  pinitik ko yung ilong niya.

Nakakainggit eh,masyadong matangos unlike mine.

"Ahhh ouch " he moaned.

"Dapat lang yan sa iyo,sinungaling ka!"  Sumbat ko sa kanya. Mayamaya lang, bigla siyang tumahimik at parang ang lalim ng iniisip. Naku,kinakabahan ako. Baka napuno na ito sa pagiging maldita ko, patay ako!

 

"I am not." cold niyang sabi habang naka tingin parin sa kawalan. Hindi na sana ako magsasalita kaso nangangati talaga ang bibig ko na sigawan siya, kunukulo talaga dugo ko ngayon.

"You are! Ang sabi mo sa akin, Prince Jose Juanito Santos ang name ni William,hindi naman pala. Siguro sinadya mo iyon para ang magiging result sa FLAMES ay Enemy.FYI, may sarili kaya akong meaning ng Flames no!" Napalingon siya sa akin. Kung kanina lang parang wala siya sa sarili at parang nagpipigil ng galit, ngayon biglang nagbago aura nya. Habang tinitigan niya ako, unti-unting may curves na namuo sa labi nya,tapos ayun!  Humalakhak na nga siya, yung halakhak na mapang-asar!

"AHAHAHA--ano? Yung E stands for enternal lovers? Kalokohan" may sasabihin pa sana ako sa kanya ng biglang tumunog ang isang napakalakas na kidlat.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sitwasyon ngayon ni Hero.Nakayuko kasi siya na parang bata habang tinatakpan ang mga tenga niya. Hindi lubos mag sink in sa aking utak na ang isang Melton Hero Einstein ,na almost perfect sa mga mata ng maraming kababaihan, ay takot pala sa kidlat.  

'Cool.'

Imbis na tawanan ko siya, naawa pa ako sa kanya kasi parang takot na takot talaga siya. Biglang nawala yung inis ko sa kanya. Parang gusto ko siyang e-embrace.

"Hero,easy lang " kinuha ko yung dalawang kamay niya na nakatakip sa mga tenga niya tsaka hinarap siya.

"Takot ka ba sa kidlat? " tumango siya na parang nahihiya, naalala ko tuloy sa kanya si Momyla ko. Takot din yun sa kidlat at ang sabi sa akin ni Daddylo ko, dapat yakapin daw ng napakahigpit ang sino mang takot sa kidlat.. Hindi kasi din madali yun,they need someone to comfort them daw.

"Don't worry,I'll comfort you " binigyan niya ako ng "huh?" look pero hindi ko na iyon pinansin . I gave him my warmest hug. Mukang helpful nga iyon kasi hindi na siya nanlamig at nanginginig,kumalma na siya.

FLAMES (Short Story )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora