Chapter 7: Hero is my Hero

695 25 1
                                    

Harah's P.O.V.

 

"Harah,saan kayo galing? Galit na galit yung Facilitator sa iyo kasi nagsumbong si Aryana na iniwan mo daw siya kaya ka nawala"  may pagkataranta ang boses ni Marian habang sinasabi yon.Hindi ko na lamang siya sinagot at dumiretso na ako sa office ng facilitator at tatanggapin ko na lamang kung anong parusa ang ipataw sa akin. Sana nga lang kakayanin ko.-

-

-

"Siguro alam mo na ang magiging kapalit ng ginawa mong paglabag. Iniwan mo ang iyong kapareha sa Survival Training niyo " nakayuko lang  ako habang sinesermonan ng facilitator. Nakakahiya talaga.

"Ang magiging parusa mo Ms.Johansson ay---" 

"I'll face her punishment" biglang dumating si Hero at inabutan ako ng isang burger at fresh strawberry milk. Ngayon ko lang na realize na hindi pa pala ako nakapag dinner.

"Hindi pwde yun Mr.Einstein,naka saad yun sa rules "

"Pero wala siyang kasalanan,hindi naman ata fair yun"

"Mr.Einstein,alam kong maganda ang hangarin mong mkatulong pero mali yang gusto mo.. Nasa rules yon na--"

"Kailan pa ba naging mali ang tulungan ang taong mahal mo ? " hinablot ko ang damit niya para agawin ang atensyon niya. Masyado na siyang nahihibang.. Kung ano ano na ang lumalabas sa bibig niya.

"Hero,ano bang pinagsasabi mo dyan " tiningnan lang niya ako sandali tapos binalik agad ang atensyon niya sa faciliator namin.

"Pasensya na talaga pero she needs to face her own punishment---"

"Wait, please let's make it this way.. Mag pustahan tayo,kapag nanalo ka paparusahan mo ako at si Harah sa  kung ano mang gusto mong parusa  pero pag natalo ka hahayaan mong ipagsawalang bahala ang parusang ipapataw mo " nag-isip sandali ang facilitator  at tinalikuran kami. Buong akala ko ay nagalit siya pero may kinuha lang pala siya. Dalawang kahon ng  alak ang bitbit niya. Ipinatong niya iyon sa lamesa malapit sa amin at inalok si Hero na iyon ang magiging hamon. Mag-uunahan daw sila sa pag-ubos ng alak.

"Hero umatras ka na lang,hindi ka sanay sa alak "pinilit kong pigilan si Hero dahil alam kung madali siyang malasing. Hindi kaya ng katawan niya ang alak dahil allergic siya dito.

Naalala ko tuloy noong high school kami, habang naglalakad ako sa kalye papunta sa amin,may nakasalubong akong isang lasing na mama at inalok ako ng alak.

Tumanggi ako pero sinabi ng mama na kapag hindi ko ininom yun,sasapakin niya ako. Mabuti na lang at dumating si Hero noon at siya ang tumubos sa akin. Kaso nga lang,bigla siyang namula at nalasing agad. Doon ko nalaman na allergic pala siya.

At ngayon uulitin na naman niya..

Kahit minsan naiinis ako kay hero,masasabi ko talaga na he is truly my savior.

Hero is my hero.

-

-

"Trust me,I can win this.. Just hold my hand and promise me not to let go of it until we finish this,got it? " tumango lang ako at inabot ko sa kanya ang kamay ko.. Hinawakan niya yun ng napakahigpit.. ANG init ng kamay niya.

Umupo na sila at umupo din ako sa tabi ni Hero. Sabay silang nagbilang ng tatlo at nag-unahan na sa pag-inom ng mga alak. 

Pareho lang ang bilis sa pag-inom ni Hero at ng facilitator.. Nagulat nga ako kasi hindi pa nalalasing si Hero pero batid kong nahihirapan na siya kasi ang pula na niya.

Dalawang bote na lang kay Hero samantalang isang bote nalang sa facilitator.

'Dapat akong mag-isip ng paraan!'

-

-

Hinablot ko ang mukha ni Hero at hinalikan ko siya na ikinagulat ng facilitator.. Napatigil ito kaya binulungan ko na si Hero na ipagpatuloy na niya ang pag-inom..

Naging effective naman ang strategy ko dahil mas bumilis si Hero at nanalo siya.

Yehey!

"Pawno bay yahwnnn, pawalow na kamiiww " pagiwang-giwang na si Heroo. Sa tingin ko ay lasing na lasing na talaga siya.

"OO na,ang galing mo Mr. Einstein,halik lang pala ang makakapagpanalo sa iyo " tumalikod na ang facilitator at kami na lang ni Hero ang natira sa kinarooroonan naming table.

"Awnggg gawling koss whosh no?" 

"oo ang galing mo Hero,thank you " ngumiti lang siya sa akin at biglang humiga sa daan malapit sa office ng facilitor.

"Hero,wag kang matulog dyan,tumayo ka nga"

"AWAjkkwk"  yinakap niya ako.. Ano ba tong pinagsasabi nito.

"Flames qllaowhhda ako gawa nito ,awiaja0wj"  ano daw? hindi ko siya maintindihan.. Tanging words na flames at gawa lang ang malinaw sa pandinig ko.. The rest ay hindi na.

"Hero halika na nga,papasanin na lang kita para makatulog ka na ng mahimbing.."

"Iloveyou " Aisshh.. Iba talaga pag lasing,ang daming kasinungalingang lumalabas sa bibig. Baka I hate you ibig niyang sabihin.. I'm sure nanaginip na naman to.

Nag stretching muna ako at dahan dahang pinasakay siya sa likuran ko. Kahit medyo mabigat,kakayanin ko dahil kinaya din ni Hero ang ipagtanggol ako.

Kaya ko to!

-

-

"Harah,wala ba talaga akong pag-asa sayo?" nakapikit siya habang tinatanong yan. Alam kaya niya ang mga pinagsasabi niya?

(See the picture---------->>>>>>)

"Hero lasing ka lang"

"Mas gwapo naman ako kaysa kay William ah"

"Diba? Diba Harah? kalwkfkks Harah sldEIK?

"Sira ka talaga,kahit lasing ka na masyado ka paring mahangin " sasabayan ko na nga lang to ,baka mapiikon pa. Sabi pa naman sa akin ni Daddy na masamang mapikon ang lasing.

"Harah,ayaw mo na ba talagang maniwala sa FLAMES HUH HARAH ?" 

"Ewan,naiinis na ako sa larong yun."

"Pinaghirapan ko yunG -wkdawo--" HINDI ko na lang siya sinagot,baka kung saan pa kasi mapunta ang usapan namin. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad habang pasan-pasan siya,

"Harah,wag mo sasagutin si William ah, ako lang ang sagutin mo "

"Bakit exam ka ba na dapat kung sagutin ?"

"Hindi pero tao ako na dapat mong mahalin "


FLAMES (Short Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon