[23] Starless

47.7K 631 80
                                    

Dedicated nga pala sa isang napakagandang dalaga na si Heyy_Kristine! Sis! Thanks sa pagdala samin ng Lolei mo sa park na yun ha? Dalaw ulit tayo minsan *w* Belated Happy Birthday! :** labs kitang wagas.

Malapit ng magpasko...mind if we visit the other characters before we proceed to the story proper?

 AY TEKA! PA-PLUG! NEW STORY KO!

       "DOLLHOUSE: THE KYLE CORVETTE MONTEFALCO STORY"

sa mga matagal ng hinihintay yan ayan na po siya! click niyo nalang external link para mabasa yun yun lang!

_____________________________________________________

London

Pinagmasdan ni Drei ang kulungan kung nasaan siya ngayon, sa monitor sa taas ay kitang kita niya ang mukha ni Titania. She was keeping an eye at everything he was doing. Pero bakit? Bakit kelangan pang makita din niya ito.

Lumalaki na ang umbok sa sinapupunan nito, he didn't know why but the child living inside her was like a ray of sunshine to him. Gusto niya itong abutin gusto niya paglabas nito ay siya ang unang makita nito.

But having a scum for a father? Alam niyang ni hindi siya palalapitin ni Titania sa anak nila, naalala pa niya noong bata pa siya at hindi pa nahahanap ng kanyang ama. He was a bastard. Palagi siyang na-bu-bully noon dahil lamang sa isa siyang bastardo. Kasalanan ba niya kung iniwan ng walang kwenta nilang ama ang kanyang ina?

May sakit ang mama niya noon at kahit ano pang kayod ang gawin niya ay hindi sapat ang kinikita niya bilang isang batang paslit para maipagamot ito, natuto siyang magnakaw at gumawa ng masama para maipagamot ang kanyang ina, pero walang nangyari. She died.

Hanggang sa burol ng kanyang ina dumating ang kanyang ama at kinuha siya. Why wasn't he present ng naghihikahos silang mag-ina? Bakit saka lamang ito nagpakita ng patay na ang kanyang ina? He hated him and made everything to taint his name.

Nagbarkada siya at nilustay ang pera ng ama sa droga. He also moved to Japan. Doon niya nakilala si Astaria. She was the sweetest girl he's ever met, he truly liked her back then but the way she looks at her younger brother Reino has always bothered him. Then nalaman niyang hindi totoong magkapatid si Astaria at Reino. Doon siya nagsimulang magloko, when he thought he had one thing in the world he solely owned, nagkamali pa pala siya. He did bad things to deliberately hurt her dahil alam niyang iba ang pagtingin ni Astaria sa kapatid kahit pa sabihin ng dalagang mahal siya nito. Until that fateful day na namatay ang anak nila. He was young then, sixteen? seventeen?

The year after he left, ng mabalitaan niyang Astaria killed herself, he hated her for killing his child. Hanggang sa nagbalik siya sa pagkausap sa litrato ni Lena, and he found her. Together with Aston at doon nanaman nagsimula ang inggit niya kay Aston.

Sa maayos niyang buhay na malayong malayo sa kanyang sarili. Dati naman kuntento lang siya sa buhay nila ng Mama niya

"Para nga akong bata ano? pinag-iwanan na ng lahat" bulong niya sa sarili ng sumungaw ang mukha ni Titania sa monitor

"May sinasabi ka ba?" anito, ibang iba na ito sa Astaria na nakilala niya. Astaria only knew how to love him and Reino. And this version of her now knows how to love herself.

TFMO 3: Chasing FatesWhere stories live. Discover now