[19] Intertwined

48.6K 612 105
                                    

A/N: sana lahat ng readers marunong din magbasa ng Author's Notes para hindi magulo ang mundo. Nakakapagod na mag-rant sa mga demanding na hindi nakakaintindi na may buhay din po ako outside wattpad eh bahala na sila sa buhay nila, mainis kung matagal ang update. I care less about them. Oh scratch that. I care. NOT.

____________________________________________


Rain's POV

Napabuntonghininga lang ako, heto nanaman ako naghihintay sa airport nakatayong mag-isa parang tanga, hinihintay ko si Boss Reino! bosabos na yun -__- alas syete flight namin usapan magkikita kaming quarter to six eh alas sais na wala pa din! -____-

Pinadala kami pabalik ng Pilipinas para sa expansion sa negosyo, I can't believe na sasabak ako sa business eh wala akong kahilig hilig dito! although pareho kaming business course ang tinapos ni Reino never kong naimagine na nag MBA pa pala siya after kaya kahit masakit man sa ego aminin eh magaling nga siyang magpatakbo ng negosyo akala ko sa pagiging rakista lang siya magaling eh.

Nagring ang phone ko akala ko si Corvette, nasa Pilipinas na kasi siya dahil tinawagan siya ng ospital may gagamutin daw siyang tao aba ano'ng malay ko dun basta yun, sabi ko ok lang nahihiya na din naman ako sa kanya ang dami dami na niyang sakripisyo para sa akin nagleave pa siya para samahan ako sa Japan. Pero syempre kelangan din niyang bumalik sa trabaho, kaya ayun long distance ang peg namin nyahahaha XD hindi ko din alam ang status namin ni Corvette eh, dating? dating na parang magkaibigan lang din kasi pareho naman kaming walang romantic feelings sa isa't isa. Sinagot ko na ang phone it was Seiichiro

"Bax! Hurry back ah? mamamatay ako ditooo~" tili kagad ng bakla sa tenga ko, siya muna ang in-charge doon sa kumpanya kasama ng mga daddy namin at ng pinsan kong si Shelly na halatang may gusto sa kanya

"Anjan naman si Shelly eh, hindi ka pababayaan niyan matalino yan!" sabi ko

"Jojombagin ko itey~ basta hurry back nakakamiss ang kapogihan ni fafa Reino sa umaga eh! wala ng yummy na scent ditey~" sabi pa ng bruha

"Ah ganoon? So si Reino lang? sige magsama kayo pagbuhulin ko kaya kayo?" naiinis kong sabi paano magkaibigan daw kami ng bruhildang ito eh puro naman si Reino ang kampi -__- come to think of it, kaaway ko pala dati si Seiichiro kasi fiance ko siya tapos nagkagusto siya kay Reino tapos nun ewan ko naging besties na din kami...haay buhay nga naman ang dami na nangyari. Well at least makikita ko na ulit sila Lena at Ran. Napayuko ako, happily married na si Ran at may baby na din, si Lena married na din kay Aston, magulo man ang relasyon nila at least kasal na sila...eh ako? napabuga ako ng hangin...heto...single.

 "Ayy sister gusto ko yang pagbuhulin thingy na yan! pero sige na sayonara na at nandito na ang pinsan mong manyakis ipagpray mong di ko majombag itis! babye na call me pag nasa Pinas ka na bye bye!" sabi nito at saka binaba na ang phone, haay buti nalang nanjan si Seiichiro. Sinulyapan ko ang relo ko ng biglang may dumating sa labas ng airport na pinagkakaguluhan na naman ng kababaihan at reporters, haay as usual maingay ang dating ng mayabang na ito. International rockstar-turned business mogul Reino Rittz Hashikawa stole the scene again. 

TFMO 3: Chasing FatesWhere stories live. Discover now