Epilogue

9K 234 101
                                    

Lena's POV

Nagising ako dulot ng liwanag na sumisilip sa kurtina ng bahay namin...at napangiti ako.

Yes...nandito na ako sa bahay namin ni Aston. Lalo akong napangiti ng mapansin kong may pulang rosas na nakalagay sa bedside table naming mag-asawa.

"I love you Misis. I'll be back later" -Ang Gwapong Mister ng buhay mo.

Agad na nalusaw yung ngiti ko, peste ang aga aga lumayas? parang kahapon lang yung nagka-ayos kami tapos...tapos ah! alam niyo na yun! sa amin nalang iyon na mag-asawa! Strictly pang mag-asawa lang yun! Ah basta!!!

Tapos iiwan lang ako dito? kainis!

Nakasimangot padin ako ng ibagsak ko ang sarili ko sa kama.

When I heard a sound coming from my laptop computer.

Weird. Did Aston open my laptop? At nagulat akong open din ang Skype ko, luh antagal ko ng hindi gumagamit ng Skype sa laptop mula ng mauso ang mga smartphones, facetime ganern.

Out of curiosity bumangon ako at isinuot ko ang roba ko saka ko nilapitan yung laptop ko at...

PogingClown is typing...

Natutop ko ang bibig ko! My internet friend!

PogingClown: Hey!

Kusa akong napangiti ng makita ko ang chat niya, isa siya sa mga tumulong sa akin noon para tanggapin ko at mahalin ang sarili ko. At kahit na hindi ko pa nakikita itong kaibigan kong ito, at pakiramdam ko sobrang laking parte siya ng naging pagkatao ko. Kundi dahil din siguro sa kanya ay hindi ko sinubukan man lang na magbago kahit pa iyon ang gusto ko.

Kung hindi dahil siguro sa kanya ay hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob para subukan ang mga bagay na kinatatakutan ko dati, at kung hindi dahil sa kanya...I wouldn't have taken any chances to improve myself and jump with Aston.

He made me believe in myself, even when I, myself didn't. He made me realize that I can be loved just like everybody else, his words of wisdom gave me courage no matter how weird they may have been back then.

Napangiti ako. Sino ka ba PogingClown? Kung sino ka man, magpapasalamat ako sayo ng lubusan ngayong araw na ito. Dahil simula kahapon, ngayon at sa mga darating pang araw, buwan at taon...masaya na ako.

Akmang magtatype palang ako ng isasagot.

Ng biglang tumatawag ito! Video call?!

Hindi ko alam pero bakit biglang sumikdo ang dibdib ko sa kaba, sa anticipation. Makikita ko na ang taong tumulong sa akin ng sobra.

But I missed his call.

PogingClown is typing...

PogingClown: Gising na...amasona!

Amasona?... parang tumigil ang pag-inog ng mundo ko at lalong kumabog ang dibdib ko.

Umugong ang pandinig ko as my fingers froze

Isang tao lang ang---paano...

Then skype notified me again that he was trying for another videocall.

And this time lumalakas pang lalo ang kabog ng dibdib ko, lalo pa at parang sasabog na ako sa kaba at parang may sariling buhay ang mga kamay ko, as I accepted his call.

Kusang bumuhos ang mga luha ko ng makita ko ang mukhang iyon.

Rain's POV

Pagmulat ko ng mga mata ko, awtomatikong napangiti ako.

TFMO 3: Chasing FatesWhere stories live. Discover now