XVIII. In Love? Again

1.9K 55 2
                                    

Keno's PoV

Jiro?

He saw us kissing.

No it's not what you thought it is.

Naitulak ko si Zak. Sa totoo lang wala akong naramdaman sa halik na yun. It just made me realized that Im over him. Tapos na.

Tumakbo palabas si Jiro. No Jiro pls.

Hinanap ko siya sa labas ng gate pero wala siya. Where did he go?

Kasalanan ko din kasi. Napahaba ata ang pag iisip ko. It's been 4 days that I kept my distance. Then ito pa ang makikita niya.

Alam kong nasaktan siya sa ginawa ko at lalo na sa nakita niya ngayon.

O my chopper. Tulungan mo naman akong hanapin siya. Nasabi ko nalang habang yakap ko sa isang braso si chopper.

Lakad ako ng lakad pero di ko naman alam kung san siya hahanapin.

Nasan ba yung daddy mung yun chopper?

Te-teka? Hahaha! Alam ko na.

Sana andun nga siya.

Halos patakbo akong nagpunta sa park. Baka sakaling tumambay siya dun.

Tiningnan ko muna ang mga bench at may nakita akong lalaking nakatungo habang nakaupo.

Si Jiro na nga. Lalapitan ko na siya pero baka. . Aaah! Bahala na!!

Sinukob ko siya sa payong na dala ko.

"Bakit ka nagpapakabasa dito?" tanong ko.

Tumingala siya at halatang nagulat. Umiiyak ba siya? Nakaramdam tuloy ako ng kirot sa dibdib ko.

"Ke-keno?" garalgal pa boses niya

"Oo ako. Anong problema? Bakit ka nagpapaulan?"

"Wa-wala. Napag abutan lang."

"Sabi mo eh. Bakit mukang naiyak ka?" Sa totoo lang gusto ko din maiyak dahil alam kong nasaktan ko siya.

"Hi-hindi ah. Basa lang muka ko gawa ng ulan."

"Para saken ba to?" pinakita ko sa kanya si Chopper.

"Pa-pano mo nakuha yan?" nagulat pa siya.

"So para saken nga?" tumungo na siya ulet. Parang ayaw niya makipag usap.

"Jiro?"

"Sorry Keno kelangan ko muna mapag isa." sabi niya. Teka alam ko yun linyang yun. No! Di ako papayag.

"Jiro! I wont allow it. Yung nakita mo kanina. ." di ko na naituloy sasabihin ko kasi bigla siya nagsalita.

"Oo kitang kita ko. Sige Keno ok lang naman. Magbespren lang naman tayo di ba?" Umiiyak talaga siya. Di na niya naitago.

"Mali iniisip mo Jiro yung. . " takte hindi nanaman ako pinatapos eh.

"Di mo naman kelangan mag explain keno eh. Im ok." Ok ka jan e yang pag iyak mo todong todo na.

"Jiro makinig ka muna please."

"Ayoko. Di mo pa ba halata? Ang sakit na ah!!" natameme naman ako sa sinabi niyang yun. Nasaktan ko talaga siya.

"Jiro please look at me."

Nakatungo lang siya na parang walang naririnig.

Haay! Kahit ano explanation ata gawin ko hindi to makikinig saken.

"Jiro It's not what you think it is."

Para akong nakikipag usap sa kahoy.

"Jiro tumingin ka saken. Let's talk."

Si Bespren Na Laging Galit (m2m)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon