XVI. Big Day! The Confession

1.8K 56 2
                                    

A/N: Eto na mga dudes.

Jiro's PoV

Sobra ako kinakabahan mga dude. Kasi eto na. Eto na talaga.

Grrrr! Kanina pa ko nakaharap sa salamin at kung ano ano na damit naisukat ko wala parin ako mapili. Waaaa!

Nakakatakot kasi baka mabasted ako. Dagdag mo pa yung pagbalik ng Zaki na yun.

Iniwasan din ako ni Keno ng ilang araw after nung fair. Kelangan niya daw ng oras para mag isip. Wala pa naman ako tinatanong. But it's been 4 days na kaya di na ko tatahimik.

Ngayon niya ko kelangan and I should be there.

After mahigit isang oras nakapili din naman ako ng isusuot ko. Haha! Tagal di ba?

Yes sakto lang ang panahon paglabas ko. Di sobrang init at mahangin pero muka namang di uulan. Haha!

Lakad lang ako papunta kina Keno at may dala akong malaking stuff toy. Malaking version ni Chopper. Wala talaga ko maisip eh. Haha!

Grabe sobra lalo ako kinakabahan. Ano kaya sasabihin ni Keno?

Sa totoo lang natatakot ako kasi ayaw niya saken or maasiwa siya saken at matapos pati pag kakaibigan namin.

Negative thoughts alisss!!

Mga ilang lakad pa nakadating din ako sa tapat ng gate nila Keno. Nagdadalwang isip ako kung pipindutin ko ang doorbell o uuwi nalang ulet ako. Waaah! Lord pls help!!!

Isang hingang malalim at eto na nga.

Pagkapasok ko ng gate sakto si Amy andun.

"Amy si Keno nasa room ba niya?" ako with my dashing smile.

"Ah-ah sir nasa backyard po may bisita." sagot niya.

Hmm? Bisita? Bago yun ah. Baka si Stef. Hay istorbo. Kala ko masosolo ko si Keno ngayon. Hays! Derecho nalang ako sa likod. Ayun may kubo dun. Minsan natambay din kami dun ni Keno eh. Haha!

Papalapit na ko pero parang napansin ko lalaki kausap niya.

Ang ang muka ng lalaking yun. Hindi hindi ko malilimutan.

Si Zaki!! Grrr!!

Parang seryoso pinag uusapan nila.

Lumapit pa ko ng konte para marinig ko sila. Alam ko mali tong gagawin ko pero kinakabahan talaga ako eh. Kelangan ko talaga sila marinig.

Meron dito parang post na pede ko taguan, enough na para marinig sila at makita ang ginagawa nila kung sisilip ako ng bahagya. Pero di pede kasi baka makita ako.

"Keno pls!" sabi nung Zaki.

"I told you Zack it's all over for us!" matigas na sagot ni Keno.

"No Keno. I wont just accept that!!" Kontra ni Zaki.

"What the hell Zak! Damn it! Ulul ka ba? bigla ka mawawala ng parang bula at lalabas out of nowhere at mang hihingi ng second chance? Second chance mu muka mu! Gago!!" galit na galit at pasigaw ni Keno.

"Im sorry! I didnt mean it! I was just stucked! Nahirapan din ako kung ano ang dapat kong gawin." pagmamakaawa parin ni Zaki. Yung boses niya parang nanginginig.

Sige Keno ganyan nga! Akin ka na diba! Haha!

"Tangna ka pala eh! Buwisit na hirap yan! Pagkatapos kitang ipaglaban kahit isumpa na ko ng pamilya mo? Ikaw pa ang nahirapan? Anak ng pusa oh! Yung paghahanap ko sayo, yung pagtatanong sa lahat ng kakilala mo at pati pagpapahula sa Quiapo ginawa ko na makita lang kita? Ayun ang totoong mahirap!" si Keno nagtatagalog ng galit? Galit talaga siya. Kawawa pala si Keno eh. Susuntukin ko na talaga tong Zaki na to.

"I know Keno, and Im sorry. Sorry kasi naging duwag ako at natakot sa daddy ko. Lahat yun pinagsisihan ko. Kung nahirapan ka mas lalo ako. Sobrang sakit na hindi ko kasama ang taong mahal ko. Sobrang sakit na hindi ako lumaban at ang sakit isipin na nasasaktan ka. Pero ang mas masakit pa dun masakit malamang dahil sakin kaya ka nasaktan! Ayun ang bagay na ayaw na ayaw kong gawin sayo! Sorry! Let me make it up to you." parang maiiyak na yung boses ni Zaki.

"Well congratulations you just did it! I was hurt real bad na lahat ng tungkol sayo isinumpa ko na!!" teka tama ba yun naririnig ko? Parang naiyak yung boses ni Keno. Shit! Lumabas yung pagiging vulnerable niya.

"Promise Keno, just come back to me papalitan ko ng saya lahat ng sakit na naramdaman mo. Im no longer the boy that you used to know. Now I am a man that will fight for you, for us. One chance is all I need. Please!I still love you. And I will always will.

Nawala man ako sa tabi mo minsan but my thoughts were with you. Walang araw na hindi kita inisip.

Pls Keno.."

aba aba hanep bumanat tong Zaki na to ah! Keno wag kang papayag!!

"Ako din walang araw na di kita inisip! Araw araw ko inisip kung babalik ka pa! Kung nasan ka na! Kung ok lang ba! At sa kakaisip ko napagod na ko. I was so over it kaya pls lang itigil mo na to! Wala na talaga Zak. Im sorry." yahoooo! Lab yu talaga Keno! Wahahaha!

"No Keno It wont be over. Magkasama tayo since gradeschool. Magkasama tayo ng high highschool. Though 2 years lang na naging tayo mahaba pa dun yung totoong pinagsamahan natin. I know may puwang pa ko dyan. Just let me in and you wont regret it. Pls dont hold yourself." Yabang nitong Zaki na to ah! O di ba ang kapal niya. Ngusuan ko to eh.

"Oo nga ang haba ng pinagsamahan natin na tinapon mo lang. Yun nga yung nakakalungkot dun eh. Ayoko na Zack. No second chances. Durog na durog nga ko sa ginawa mo eh! Di ko na kaya ang isa pa. Pls lang. Tigilan mo na to!" matigas talaga si Keno. Hehe!

"No I didnt throw it away. Andito pa lahat. Until now you are still the best thing that happened to me. Hinding hindi mawawala yun. Kaya nga ako bumalik eh. I just defied my own family. Umalis na ko sa poder ng dad ko just to have this chance. Alam ko posible na hindi ka na babalik sakin pero I took all the risk. I am not asking na maging gaya tayo ng dati just let me be with you, ok na ko." mangiyak ngiyak na din boses ni Zaki.

"Open your eyes Zak! I dont wanna be with you anymore." maiksi lang yung sagot ni Keno pero sobrang sakit nang sinabi niya. Kung sakin niya sinabi yun lulubog talaga ko.

"No! I wont accept it! look straight into my eyes and tell me that you dont love me." di talaga nasuko tong Zaking to ah.

"Ah.." ayun huli ko narinig kay Keno tapos bigla ang tahimik na na. Shit! Ano nangyari? Ok sisilipin ko na sila kahit makita nila ko.

Pero..

Ako ang nagulat sa nakita ko. Yung puso ko parang sasabog.

Gusto ko lumubog nalang sa nakikita ko.

Instantly may mainit na tubig na dumaloy sa pisngi ko.

Umiiyak ba ko?

Ewan.

Siguro. Para kasing wala na ko sa sarili ko eh.

P*tang ina talaga!

Akala ko may pag asa na ko.

Olats parin pala.

Hanggang sa naramdaman ko nalang kusang humakbang ang mga paa ko palayo sa lugar na yun.

Si Bespren Na Laging Galit (m2m)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon