XIII. The Cousin

2.3K 54 1
                                    

A/N: Eto pa isa pang pangbawing update. Di na ko masyado busy kaya dadalasan ko pa to. Hehe! Mahaba pa po sana marami pang magbasa.

Salamat po ulet ng marami!!

Love u guys!!

Jiro's PoV

Naks kaguwapo parin ah!

Sarap magpapogi! Haha!

Dapat laging presentable para kay Keno. Mag dadalwang buwan na ulet ang lumipas at olats parin ako mga dre. Kasi naman hirap talaga magsabi ng tunay na nararamdaman. Si Keno di ko parin kasi makuha ang timpla. Pero at least para kaming magsyota.

Sweet naman kami sa school at kami lang lagi ang magkasama. Sabay mag lunch at tska kulitan kapag break time.

Dadaanan ko si Keno sa kanila para sabay kami papasok ngayon. Hehe! Ganto kami araw araw para mabakuran ko din siya. Aba mahirap na kapag may iba pang pumorma dun.

7am nang dumating ako sa kanila. Aga pa diba? Actually 10am pa sked namin. Malamang tulog pa yun.

"O boy pasok na!" sabi ni Manong guard saken. Hays kahit araw araw na ko andito manghang mangha parin ako sa bahay nila Keno.

Pagpasok ko sa loob ng bahay andun si Amy. Haha! Lagi parang nahihiyang natataranta ih.

"Uy Amy kumusta na?" bati ko sa kanya.

"Ok lng sir." sagot niyang pagkakatipid.

"Si Pareng Keno?" ako

"Nasa room po niya."

"Amy naman eh! Wag ka mag po sakin. Lakas makatanda. Tsaka wag mo ko tawaging sir. Jiro nalang para mas poging pakinggan." sabay smile ko sa kanya. Ayun namula nanaman siya tapos umalis nalang. Hays! Lagi siyang ganyan. Pero maganda yan si Amy. Kung pede ako, liligawan ko yan kasi parang ang hinhin niya at mukang mabait maging gf. Kaya lang mejo napaliko ang pananaw ko eh kaya kay Keno ako napapunta.

Hahaha!

Paakyat na ko sa room ni Keno nang may nasalubong akong di pamilyar na babae.

Ang tangkad kiya mga 5'7" siguro tapos mukang model. Ang puti at singkit ng mata. Kaya lang mukang supistikada at mataray.

Nakasando siya at shorts na maiksi di ko tuloy maiwasan mapatingin sa legs niya.

Siya naman siniyasat ako at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Naiilang tuloy ako.

"You are?" ayun tanong niya.

"Jiro po. Kaibigan ni Keno at classmate." sagot na parang ako naman nahihiya.

"Ah so your the guy?? Hahaha! Im Stephanie. Call me Stef, cousin ako ni Keno." sagot niya. Parang ang sosyal niya magsalita.

Kaya pala ang ganda pinsan pala ng baby ko. Hehe!

"Nice meeting you Stef." sabay abot ng kamay ko. Natututo ako mag english gawa ni Keno ai. Haha! Inabot naman niya kamay ko. Tapos bigla dumating si Keno.

"Ui bespren gandang umaga!" bati ko kay Keno.

"Kaw naman Keno di mo sinabing ganto pala kahot itong friend mo." si Stef tapos bigla niya hinawakan balikat ko at nakangisi. Napatingin nalang ako sa ginawa ni Stef.

Paglingon ko kay Keno nakasimangot na siya.

"May naiwan ako sa kwarto ko!" sabi ni Keno na parang naiinis. Tapos bumalik siya sa taas.

"Stef maiwan muna kita ha." ako

"Sure!" si Stef.

Sinundan ko na si Keno.

Si Bespren Na Laging Galit (m2m)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon