AWKWARD!!??

4K 61 1
                                    

::::::::Si Keno::::::;::::::

Bilis ng araw. 1 week na rin ako ng aaksaya ng oras sa school. Buti nalang wala pasok bukas. Makakapagtulog pa maghapon. At sa wakas uwian na ulet.

"Ui Dre!"

May nasigaw?? Ako ba tinatawag nun? Yae siya.

Bilis pa lalo ng lakad..

"Dre bat kaba nagmamadali?"

Si Jiro pala. Nakaabot pa siya? Hinahapo pa. Adik lang? Bat naghabol pa to?

"Bakit?" tanong ko.

"Wala lang. Ayain sana kita, tambay muna tayo wala naman pasok bukas. Dun muna tayo sa gymnasium. Ano?" -jiro

"Ayoko. Anu naman gagawin dun? Uuwi na ko." -ako

"Sus wala ka din naman gagawin sa inyo. Tara??!" -jiro. Ayan nanaman kulet niya. Tsk! Tsk!

..

..

..

Waaaah! Anu ba naman? Bat ako andito? Tae sumama din ako. Kasi naman!!! O anu kaya gagawin nito dito.?

"O ano gagawin nito?" -ako

"Wala papacute lang tayo. Mangchichix. Wala ako kasama eh!" -jiro. At nakangiti pa si hayop.

Pucha pinagtitripan nanaman ba ko nito? Tayo ako sa inuupuan namin at paalis na. Napaka walang kwenta ng taong to ah.

"Ops ops ops! Dito ka lang!" Sabay hawak niya sa braso ko at pigil saken. "Pare sandali lang naman eh! Tsaka para may makilala ka din. E 1 week na tayo sa school ako lang nakakausap mo eh. Mingle mingle din pag may time!" -jiro

Tamo tong ungas na to oh.

"Ikaw na ang friendly! Napakadami ko pang gagawin at wala ako oras tumunganga dito ok!" aalis na talaga ko.

"Anu kaba!? Sumama ka nga eh. Maya maya ka na umalis!" -jiro.

::::;:::;::JIRO:::::::::::::

Grabe magpapaka KJ nanaman nanaman to. Kelangan na mabawasan pagiging anti social nito nu. Dapat malawak din circle of friends namin.

"Dre sandali lang ok. Tsaka kwentuhan din tayo. O kaya gusto mo inom nalang tayo? Ano??" -ako

"Tsk 10mins." -Keno

"Yes!!!! Hahahaha! Sige ayos na yun. Hehe!" -ako

Ayun meron na babae patingin tingin samin. Wahahaha! Mas malakas kasi hatak kapag dalawa kami eh. Tamang tama 2 din yun tag isa kame. Haha! Eto naman gusto ko eh. Pag kami magkasama for sure wala makakaresit tumingin samin. Sige miss titig pa. Hihi! Ayun!

Ngiti.

Pambabae 101!!! Titigan ang babae in 30 sec. Kapag type ka din niya for sure titig din siya. Then isang sweet na smile!!

Ayan lapit na sila. Aba at itong si Keno nakatunganga lang? Haha! Naku dre for sure after this magpapasalamat ka sakin. hehe!

"Hi!" ayun lumapit na si miss ganda and her bff. Waah! Ganda nila parehas. Ampuputi!!! Nakakalaway!! hihi!!!

"Hi!" bati ko. At si Keno may pagtingin pa saken. Sama nanaman maningin ah!!! Tas deadma. Ok yan dre! Malakas din dating sa babae ng suplado at pamisteryoso. "Wala kayo kasama?" tuloy ko.

"Wala eh! Pero pauwi na din kami!" -Si miss ganda 1. Yun kasama niya makatitig kay Keno wagas. Lakas tama ah. Sabi na eh! Nagpapick up ka na ha. That means wala sila gagawin at pede na sa date. Naku yari ka!!!! hihi!

Si Bespren Na Laging Galit (m2m)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon