Kabanata 18

386 28 4
                                    




"Do I know you?" tanong niya.

Nararamdaman kong nabibiyak ang puso ko.

Ano ka ba naman Cas! Imposible namang maging siya si Theodore. Kasi... nasa taong 1854 siya.

"Uhmm wala, may kamukha ka. Akala ko ikaw siya"

Tumango lang siya habang nakatitig sa bulaklak. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Kaitsurang kaitsura niya si Theodore. Mula sa buhok niya, hugis ng mukha, laki ng katawan, kahit ang taas niya.

Nang mapansin kong nakatingin siya sakin ay umiwas ako ng tangin.

"Pwede ko bang malaman ang iyong pangalan?" tanong ko.

"Oh, I'm Theo. Nice meeting you! And you are?" inabot niya ang kamay niya.

"Cassandra"

Tapos inabot ko din ang kamay ko. Naramdaman kong bigla akong nakuryente.

Agad kong nilayo ang kamay ko sakanya.

"Mauuna na ko" paalam ko.















Nandito ako ngayon sa kwarto. Nakatitig sa kisame. Iniisip yung lalakeng nakita ko noon. Maybe... ninuno niya si Theodore? His name is Theo... Hango din sa pangalan niya.

1 am na pero di pa rin ako makatulog. Naisipan kong pumunta doon bukas. Para tanungin ko siya kung kilala niya si Theodore.














8 am pa lang nandito na ako sa hotel. Tinanong ko kung nandito ba siya nakatira pero hindi daw. Public naman tong rooftop sa mga tao kaya  pwede ako dito. Ilang oras na akong naghintay pero naiinip na ako.


Sumuko na ako nang dumating ang 5 pm. Walang anino ni Theo ang nakita ko dun. Napabuntong hininga ako habang nakasakay sa elevator. Nang makalabas ako ng hotel ay naglakad lakad lang ako.

May nakita akong street food stand kaya bumuli ako. Namiss ko to. Medyo nagtataka nga lang ako bakit mas matagal ang pagkatulog ko kaysa sa pagtagal ko sa 1854 no? Nevermind.

Iniligpit ko at tinapon sa basurahan ang kinain ko nang mahagip ng paningin ko ang isang shop ng bulaklak. Hindi ko alam pero nakita ko na Lang ang sarili ko sa harap ng bulaklak. Bouquet ng rosas na kulay rosas. Kukukin ko na sana ito pero may nauna sakin.

Binayaran niya ito at umalis.

"Theodore" pagtawag ko.

Napalingon siya. Siya nga. Nagsimula siyang maglakad papalapit sakin. Kumakabog ng bongga ang puso ko.

Nagulat ako nang inabot niya sakin ang  rosas.

"Binibini... para sayo" saad niya

Naramdaman kong tumigil ang pagtibok ng puso ko.

"K-kilala mo ko?" kinakabahang tanong ko

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Alam kong mahirap paniwalaan, pero oo. Ako to si Theodore. Cassandra, sinta ko"














"Paano ka nakapunta dito?" tanong ko kay Theodore.

Maghang mangha pa ako kung paano siya nakapunta dito. Parang panaginip lang ito.

"Kagaya lang ng pag punta mo dun" sagot niya sabay Kain ng pizza.

"Nagpakamatay ka?!" gulat ba tanong ko.

Umubo naman siya na parang nabilaukan. Binigyan ko siya ng tubig.

"Humiling ako" ngumiti siya.

"Hiniling ko na sana, sa pangalawang buhay ko... makakatuluyan na kita. Na hindi na ako babangon sa umaga, na iniisip kita. Alam mo ba na balak sanang ibura ni Angelita ang alaala ko? Ngunit pinigilan ko siya. Humiling ako sakanya"

"Hinintay ko hanggang mamatay ako. Naghintay ako ng 50 years" saad niya.

"Ang unfair nga eh. Hinintay kita ng 50 years, pero ikaw 5 araw lang" nag pout siya.

Hindi ko maiwasang matawa.

Hindi ko alam kung anong nagawa ko sa buhay ko para magkaroon ng isang lalakeng katulad niya.














Nasa cafe ulit ako, sakto nakita ko agad si Angelita.

"Dinala mo si Theodore dito?" nakangiting tanong ko.

"Oo. Hindi lang naman ikaw ang tanging taong makakahiling sakin" tawa niya.

"At hiniling mo din noon, na gusto mong magkaroon ng happy ending sa buhay mo"

Tumayo siya. Napatingin ako sakanya.

"Yan ang hindi ko nabigay sayo sa taong 1854"




Itutuloy.......

____________________________________________________________________________

The next chapter is the epilogue! I'll post it in a couple of minutes/hours!

1854, It's Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon