Kabanata 13

410 25 4
                                    



Nang ilayo niya ang kanyang mukha sa mukha ko ay tinitigan ko lang siya. Ngumiti siya sakin at inilahad ang kamay niya. Kinuha ko ito at ngumiti din sakanya. Maglalakad na sana kami kaso bigla akong nahilo.

Dumilim nang dumilim ang paningin ko nang may makita akong babaeng lumalapit sa direksyon ko. Biglang nawala ang panghihilo ko, at si Theodore. Wala na rin ako sa lupain ng bulaklak.

Lumingon lingon ako sa paligid ko at hindi ko alam kung nasaan ako.

"Ikaw!" nagulat ako nang bigla akong dinuro nang babae.

"Ako p-po?" kinakabahang tanong ko.

"OO!" sigaw niya na palapit sakin.

Napapaatras ako habang lumalapit siya sakin. Tinitignan niya ako na para bang gusto niya akong patayin. Hindi ko naman siya kilala. Isa ba siya sa mga bruha na ginawa ni author para isumpa ako? Sana wag naman.

"Pigilan mo ang iyong damdamin sa lalakeng iyon!" matigas na tugon niya.

Napatigil ako sa pag-atras. Para bang nanghina ang tuhod ko. Napipi ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Napalingon ako sa babae.

"Kung ayaw mong masaktan, pigilan mo ang iyong nararamdaman, bago mahuli ang lahat" saad niya at nagsimulang maglakad palayo.

Sinubukan kong sundan siya pero naistatwa ako sa kinatatayuan ko. Namanhid ang katawan ko. Unti unting dumilim at nawalan din ako ng malay.














Naalimpungatan ako at ang bilis ng tibok ng puso ko. Napaupo ako at humawak sa dibdib ko.

(Wala kang dibdib remember? Joke.)

"Anak ayos ka lang?" nilingon ako at si inay na may dalang tubig.

"Ika'y nananaginip lang" saad ni itay at kinapa ang likod ko.

Kinuha ko ang tubig at ininom ito ng diretso.

"A-ano pong nangyari?" tanong ko kay inay.

"Kagabi ay nakita kang walang malay ni Ginoong Theodore sa ating bakuran. Ano ang iyong ginagawa roon anak?" nag-aalalang tugon ni inay.

"H-hindi ko po maalala" palusot ko.

Hindi nila pwedeng malaman ang tungkol saamin ni Theodore. Tiyak na malalayo ako sakanya.

Iniwan ako nina inay at itay para magpahinga. Bukas raw ay babalik na kami sa mansion. Habang nag-iisa lang ako, naalala ko si Theodore.

Kamusta siya? Umalis ba agad siya nung nadala ako dito? Asan siya ngayon? Iniisip din niya ba ako?

Napahinga ako nang malalim at napapikit ang mata. Inaalala ko na naman ang panaginip, na parang bangungot.

Ititigil ko ang nararamdaman ko para sakanya? Para kay Theodore? Pero bakit.

Inisip ko ulit kung anong suliranin sa relasyon namin. Ako'y isa lamang alipin at siya ay nabibilang sa alta sociedad.

Malamang ay hindi papayag ang kanyang mga magulang saamin.

At, si Isagani. Yan ang ayaw ko sa lahat. Na may taong magkalagusto sakin at hindi ko matutugunan pabalik ang damdamin nila. Ayokong mang reject.

Tapos..... What if ...... Makabalik ako sa kasalukuyan?

What if, bumalik ang totoong  Cassandra sa katawang ito? Siya pa ba ang mamahalin ni Theodore?

What if.......  Mababalik ako sa kasalukuyan at maiwan siya dito?

1854, It's Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon