Kabanata 3

628 35 4
                                    

"Magkakilala kayo anak?" takang tanong ni Don Edilberto.

"Opo ama" sagot naman ni Gunggong na si Theodore habang nakangisi pa rin sakin.

"Paano kayo nagkakilala?"

Nakita ko namang ngumiti nang malawak si Theodore. Binigyan ko naman siya ng wag-mong-sabihin-sa-ama-mo-ang-nangyari-look.

Mukhang naintindihan niya naman at napangisi siya.

"Ang totoo niyan ama, nabangga ko siya malapit sa tindahan ni tiya Roselita. Humingi ako ng paumanhin ngunit" tumingin siya muli saakin.

Alam kong minsan lang ako magpacute, kaya nag puppy eyes naman ako ng pasikreto sakanya. Nakita ko naman siyang tumawa.

"Anong nakakatawa anak?"

"Wala iyon ama. Ngunit hindi naman pala kailangan dahil mabait naman pala si binibining Cassandra"

"Naku ginoong Theodore, hindi naman kaaya ayang tawaging binibini kaming mga tagapagsilbi"

"Manang Emelda naman, tinuring na po kitang ina. At ikaw naman po ang mayor doma ng bahay na ito. At isa pa, ang iyong anak ay isang tunay na binibini sa kanyang angking kagandahan"

Ngumiti na lang ako. Ang bait naman ni Don Edilberto samin. Sabi kasi ng mga history teacher namin noon, panget raw ang trato ng mga maharlika sa mga alipin.

Tumango na lang si inay at ngumiti. Maya maya pa ay sinimulan na ni inay ang pagtuturo saakin kung anong mga dapat gawin sa bahay ng mga Salvador.

Napag-alaman ko na tagaluto dito si inay. Sabagay, masarap talaga ang luto ni inay. Sabi nga ni inay, dahil sa kanyang pagluluto, nahulog ang loob sakanya ni tatay.

Ako naman, assistant niya lang. Marunong naman akong magluto pero hindi naman magaling. Lulutuin raw ni inay ay adobo.

Pero ang nakakapagtaka, ano ang adobo? Never kong nakain yun. Sabi kasi ni mama noong bata pa ako, puro gulay lang at isda ang nakakakain ko. Nakakain rin ako ng mga karne, pero paminsan minsan lang.

Ngayon, gusto kong tikman ang adobo. Ang bango kasi ng amoy eh. At nakakatakam ang itsura. Nilalagay ni ni inay ang toyo at suka.

"Oh anak, bakit parang takam na takam ka sa luto ko"

"Eh inay, never ko pang natikman yan"

Kumunot naman ang noo ni inay. Ow shet.

"Neber? Ano yun anak?"

"Ah eh, hindi ko pa natitikman yan inay"

Tumawa naman ng mahina si inay.

"Alam mo anak, nakakapagsalita ka pa rin pala ng ingles. Hay kung alam mo lang anak, paborito mo ang adobong niluluto ko"

So natikman na ng totoong Cassandra ang adobo ni inay? Ano ka ba Cas! Syempre naman oo.

"Anak gusto mong tikman?"

Agad akong napatalon sa upuan at isinubo ang pagkain sa kutsarang hawak ni inay. At biglang nanlaki ang mata ko, ANG SARAP! Bakit kaya hindi ko pa ito natitikman? Psh.

Narinig ko namang tumawa si inay. Nakakatawa ba talaga ang mukha ko kanina?

"Sige na anak, ihain na natin ang nga pagkain sa hapag ng pamliya Salvador. Ikaw na ang magdala ng adobo"

Nakangiting tumango ako at lumabas ng kusina habang dala ang adobo. Bat ba ang bango bango nitong pagkaing ito?

Marahan kong inilapag ang adobo sa gitna ng hapag at yumuko para magbigay galang kay Don Edilberto.

1854, It's Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon