Kabanata 16

396 23 5
                                    



Ipinikit ko ang mata ko. Katulad lang ito nang panaginip ko noon diba? Magigising lang naman ako agad diba? Wala namang nangyari kay Theodore... diba?

"Ibinalewala mo lamang ang babala ko sayo noon. Ngayon, magdudusa ka. Mamatay ang lalakeng pinakamamahal mo" napangisi siya.

"Hindi. H-hindi totoo ang sinasabi niyo. Bakit naman siya m-mamamatay?" pagkukumbinsi ko sa sarili ko.

Napangiti siya at inilabas ang isang kutsilyo. Hinimas himas niya ito at dumalak ang dugo.

"Ang buhay, katumbas din ng buhay" napangisi siya.

Lumapit siya sakin. Naistatwa ako bigla. Hinawakan niya ang buhok ko.
Ipinalibot libot niya ito sakanyang daliri at hinila. Napasigaw ako sa sobrang sakit.

"A-anong ibig s-sabihin mo?"

Unti unti niyang itinaas ang kutsilyo niya at itinapat ito sa leeg ko.

"Diba ikaw ay nagpakamatay? Ang totoo niyan ay patay ka na, ngunit dahil sa iyong hiling, nabuhay ka pa" unti unti niyang binaon ang kutsilyo. Napasigaw ako sa sakit.

"Pero kailangan ng sakripisyo. Hindi mo nakukuha ang isang bagay sa isang iglap"

Nagsimula siyang maglakad palayo.

Napahawak ako sa leeg ko na dumudugo.

"Hindi k-kita naiintidihan"

Nilingon niya ako.

"Kailangan mamatay ni Theodore... para mabuhay ka"

Biglang tumigil ang pagtibok ng puso ko. Nahihirapan akong huminga hanggang sa lumabo, at maging itim ang nakikita ko.
















Naalimpungatan ako dahil nararamdaman kong may humihipo sakin. May basang bimpong ginagamit para ilinis sa mukha ko. Inimulat ko ang mata ko at bumungad ang isang babae. Ang babaeng matagal ko nang hinahanap.

"Angelita?" gulat na tanong ko na may halong pagkamangha.

Ngumiti siya, pero nakikita kong namumugto ang mata niya.

"Angelita, umiyak ka ba?" nag-aalalang tanong ko.

Umiling siya.

"Wala, napuwing lang ako" palusot niya.

Tintigan ko siya at binigyan ng hindi-mo-ako-maloloko-gurl. Napabuntong hininga siya.

"I'm sorry" niyakap niya ako at umiyak. Napakunot naman ang noo ko.

"Ikaw ang unang taong sasabihin ko nito" umayos siya ng upo.

"Isa akong nilalang na tumutupad ng hiling" saad niya. Nahulog naman ang baba ko.

"Genie?" takang tanong ko.

Tumawa siya ng mahinhin.

"Hindi. Walang kung anong tawag sakin, pero tumutupad ako ng hiling" saad niya.

Bumalik naman ang dating niyang ekspresyon.

"Ngunit, hindi ko kayang matupad ang hiling mo. Kaya kailangan kong  humingi ng tulong kay Lualhati" saad niya. Nakikinig Lang ako sakanya.

"Isa din siyang diwata na tumutupad ng hiling, pero mas malalim. Ngunit, ang kanyang pangalan, kabaliktaran ng kanyang totoong kalooban" napahinga siya ng malalim.

"Ikaw ay namatay.... at inalay mo na ang iyong buhay. Ngunit dahil sa aking kapangyarihan... nabuhay ka muli" napatingin siya sa kawayang bintana. Medyo makulimlim ang kalangitan.

1854, It's Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon