Chapter 34 : Cruel Past

12.2K 295 7
                                    

Nang marinig ni Alex ang busina ng sasakyan ng kanyang ama, dali-dali itong lumabas.

"PAPA" naiiyak na salubong ng batang Alex sa kanyang ama.

"Ok ka lang princess? Bakit ka umiiyak?" sunod sunod na tanong ng kanyang nagaalalang ama.

"Papa kasi po si Mama sumisigaw sa kwarto niya" kwento ni Alex.

"Huwag ka ng umiyak, tara pumuntahan natin ang mama ok" sambit ng kanyang ama.

"Ginawa mo na ba ung mga homework mo?" tanong ng kanyang ama. Hawak hawak ni Richard ang kamay ng anak niya papunta sa kwarto kung nasaan ang kanyang anak.

Pagbukas ng pinto ni Richard, Tila nabuhasan ng malimig na tubig ng makita niya ang kanyang asawa na nakahiga sa kanilang kama, nakahubad at may kasamang ibang lalaki.

"MGA WALANGHIYA KAYO!" sigaw ni Richard ng kinabigla nina Josie at boyfriend nito.

"Magpapaliwanag ako Richard!" saad na kanyang asawa. Takot na takot si Josie na iwan siya ng kanyang asawa hindi dahil mahal niya ito, kundi may malaki itong utang at tanging asawa niya lang ang solusyon dito.

"KAILAN PA!" sigaw ni Richard.

"SIMULA NG DINALA MO YANG BASTARDA MONG ANAK" gigil na sabi ni Josie.

"Papa" naiiyak na sabi ni Alex habang hinihila niya ang damit ng kanyang ama, gulong gulo siya sa pangyayari.

"LUMAYAS KAYO DITO!" sigaw ni Richard sa kanyang asawa pati na din sa kalaguyu nito.

"Pinipili mo yang bastarda mo kaysa sa akin!!" sigaw ni Josie.

"Lumayas na kayo dito! hanggang kaya ko pa" saad ng ama ni Alex. Tumingin siya kay Alex na kasalukuyang umiiyak.

Bigla na lamang sumakit ang dibdib ni Richardo.

"Papa" sigaw ni Alex. Napahiga lang si Richardo.

"Mama tulungan po natin si Papa" pakiusap ng bata. Ngunit tinignan lang siya ni Josie sabay ngiti.

"Tara babe, magmiyerda mo na tayo" sambit ni Josie at iniwan niya lamang ang mag-ama.

"Mama please" pakiusap ni Alex habang siyay umiiyak lumuhod pa ito sa kanyang ina.

Imbes na tulungan ni Josie ang bata, sinampal niya pa ito."Huwag mo nga akong hawakan!" sigaw nito. Sabay kuha sa kamay ng kanyang boyfriend.

"Prin..cess" nanghihinang sabi ng kanyang ama. Lumapit si Alex sa kanyang ama.

"Papa" naiiyak nitong sabi.

"Mahal kita anak.. Prin..cess" huling saad ng kanyang ama.

"Pa..pa gising na po kayo" naiiyak na sabi ni Alex. Walang tigil ang pagdaloy ng kanyang mga luha.

Patuloy ang pagiyak ni Alex. "Hindi niya man lang tinulangan ang Papa ko"

"Shhh" sambit ni Fifth sabay yakap kay Alex.

"Simula noon, lagi nalang niya akong binubugbog, pinatigil niya ako sa pag-aaral" kwento ni Alex. "Araw-araw nagbebenta ako ng mga sampaquita sa kalye para may makain ako.."

"Ok lang sana kung ganun lang ang ginagawa niya sa akin, kaso noong labing apat na taon gulang ako nagumpisang magbago ang tingin sa akin.." naluluhang pahayag niya. ".. nung boyfriend ng mama ko."

"Nalulung sa casino ang mama ko at sa drugs.."

"Nasan na yung pagkain!" sigaw ni Josie.

Wanted: Fake Mommy [FiLex]Where stories live. Discover now