Chapter 43 : He didnt make it.

11.6K 278 10
                                    


"Everything will be alright" saad ni Elizha sa kanyang anak


"Family of Roberto Pagotan" napatingin sila sa doctor na nagopera kay Fifth.


Malungkot ang mukha nito kaya nababahala sina Alex.


"Sorry we did everything, pero hindi na kinaya ni Mr. Pagotan. Nastop ang heart niya while the operation was on-going. We are sorry for your lost"


Halos mabingi si Alex sa narinig niyang sinabi ng doctor.


"Nagbibiro ho pa kayo?" ang tanging natanong ni Alex, habang nanginginig ang kanyang mga kamay.


"KASALANAN MO ITO" sigaw ni Maris, nakakabatang kapatid ni Fifth. "KUNG HINDI KA DUMATING SA BUHAY NG KUYA KO DAPAT NANDITO PA SIYA!"


"Maris enough!" putol ni Fourth kay Maris.


"Tama naman ako di ba? kasalanan mo naman ito" galit na saad ni Maris.


Walang maisagot si Alex dahil alam niya na tama ang sinabi ni Maris. Kasalanan niya lahat, kung bakit namatay si Fifth, kung bakit magiging ulilang lubos na si Scarlett. Napaupo na lamang siya sa sahig habang patuloy ang pagiyak niya.


"Fifth bakit mo kami iniwan?" tanong niya habang patuloy ang pag-iyak niya


"Fifth please bumalik ka"


"FIFTH!!" sigaw ni Alex.


"Anak, Arabella" gising nito kay Alex ng mapansin niyang parang nababangungot ang anak nito.


"Fifth!" sigaw ng dalaga at nagising ang kanyang diwa.


"Diyos ko anak, ok ka lang ba?" tanong ni Elizha ng mahimasmasan si Alex.


Matapos makahinga at makainum ng tubig ang dalaga dali-dali niyang tinanong ang lalaking nagligtas sa kanya "Si Fifth po" sambit ni Alex ng mapansin niyang nakauop pa rin pala sila sa bench malapit sa Operating Room.


"Hindi pa lumalabas ang doctor" saad ni Eliza.


Tumango nalang ang dalaga at minabuting tumayo na upang mahibsan ang kaba na kanyang dinadama.


"Umupo ka muna Alex" saad ni Elizha sa anak niya kanina pa kasi ito lakad ng lakad hindi mapakali.


Napatingin ang dalaga sa matanda, naluluha ito at natatakot. Yung kinakatakot niya naging totoo na. "Tita"


Niyakap naman ni Elizha si Alex. "Everything will be fine anak, malakas si Fifth and Im sure he will never leave you and Scarlett"


"Kasalanan ko po ito eh" naiiyak na saad ng dalaga. "Kung hindi niya ako nakita noon, hindi manyayari sa kanya ito."


Wanted: Fake Mommy [FiLex]Where stories live. Discover now