Chapter 13 #unsurefeelingsniLima

18.6K 396 3
                                    

THIRD PERSON POV

"Oh ano balak mo ba talagang patayin ang sarili mo Roberto!" sermon ni Margy.

Pinikit na lamang ni Fifth ang kanyang mga mata habang patuloy pa din ang pagtatalak ng kaibigan niya. Alam niyang mali ang ginawa niya ngunit masisi ba siya kung ito na ang nakalakihan niyang lifestyle, ang magtrabaho hanggang kaya pa.

"Alam mo bang halos mamatay sa kaba si Alex sa ginawa mo" sambit ng kaibigan niya.

Ikinabigla naman ito ni Fifth. Hanggang ngayon naiinis pa din siya sa Magdrigal na yun. Hindi niya alam bakit pero iritang irita ito kapag nakikita niya ang kaibigan ni Alex.

"Halos maistress kaming lahat dahil sayo. Oh ano ngayon? Gagawin mo ba ulit yan?" naiinis na tanong ng kaibigan niya.

"Margy tama na, hindi ko na uulitin promise" sambit ni Fifth at umupo muna ito.

"ay nako Roberto!kilala kita after a month gagawin mo nanaman ito tapos mababalitaan ko nalang na nasa hospital ka nanaman" inis na reklamo ni Margy habang ang kaibigan niya nakahiga pa din sa kama at nakatingin sa bintana. 

"oo nga pala si Maris tinawagan niya ako" kwento ng kaibigan niya. Nabigla naman si Fifth sa narinig niya dahil 1 week ng hindi nagpapakita o nagparamdam lamang ang kapatid niya dahil na din sa away nila. "Kina Tita Roselle daw muna titira"

Halos hindi ma eh pinta ang mukha ni Fifth ng marinig ito. Bakit kailangan pa siyang tumira doon? tanong ni Fifth sa kanyang isipan. 

"Oi Roberto! Alam ko galit ka sa mama mo pero hindi ibig sabihin nun dapat pati mga kapatid mo magalit din kay tita." sambit ni Margy at umupo ito sa tabi ng kama ng kaibigan niya.

"Pwede ba Margy wag na natin siyang pagusapan" naiiritang sagot ni Fifth.

"Roberto alam mo uso din naman ang magmove on o kaya naman try mong bumili sa SM alam ko naka sale ngayon ang let go at move on" biro ng kaibigan niya.

"matagal na akong nakapagmoved on Margarette" seryosong sagot ng binata.

"Sure ka?" nangaasar na tanong ni Margy.

"Yup I am... Wala ka bang trabaho ngayon?" tanong ni Fifth, ayaw na ayaw kasi ng binata ang pagusapan ang ina nito.

"Hahaha ai Roberto hindi ka pa din nagbabago" natatawang biro ni Margy.

"tinanong ko lang naman kung wala kang trabaho tapos tatawa ka na agad" seryosong sagot ng binata.

"Alam niyo po Mr. Pagotan matagal ko na kayong kakilala since fetus days pa haha ok anyway wala pinaresched ko lahat ng meeting ko today actually dapat nasa Cebu ako ngayon eh, kaso tinawagan ako ni Alex sabi nga niya nasa hospital ka" kwento ng kaibigan niya. Napangiti naman si Fifth sa narinig niya.

Wanted: Fake Mommy [FiLex]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon