Chapter 11: Old Friend?

18.5K 443 4
                                    

FIFTH POV

Pagpasok ko sa mall natanaw ko agad sina Scar pero laking gulat ko ng may kasama silang lalaki. Kaya lumapit ako agad sa kanila.

Nilagay ko ung kamay ko sa bewang niya na kinagulat naman ni Alex at noong lalaking kung makakatitig sa kanya wagas.

"umm bab..y" nauutal na sambit ni Alex. Habang nakatingin naman siya sa akin. Si Scar naman karga siya ni Alex pero busy sa paglalaro. Tinignan ko mabuti ung lalaki. Alam ko sa tingin palang niya badtrip na siya. Aba sorry naman brad, nauna ako dito hanap ka nalang ng iba.

"baby" nabigla naman ako noong tinawag ulit ako ni Alex.

"ano un baby?" sambit ko at napasmirk naman ako. Mamatay ka sa inggit pre.

"Baby si Kean pala" sabay niyang turo sa lalaki. "Kean si Fifth" pakilala ni Alex sa amin. Nagshake hands naman kami. Halatang iritado.

"mama" sambit ni Scar. "Im hungry na" sige anak magdrama ka pa para makaalis na itong lalaking ito.

Napansin naman ako ni Scar "Daddy karga ayet" sambit niya ako naman kinuha ko siya. Biglang nagsalita naman ung epal.

"I didnt know na may asawa't anak ka na pala" seryoso niyang sambit kay Alex.

"Kean.. Ano.. Kasi?" bakit ba parang nauutal pa siya. Kainis naman.

"Sorry brad ah, gutom na kasi ang ANAK NAMIN" Sambit ko enamphasize ko talaga ung anak para magising.

Wait ano bang nanayayari sayo Roberto, di ka naman ganito ah. Lagi kang under control and ngayon gusto kong suntukin ang lalaking ito dahil lang kinakausap niya si Alex. What happened to me.

ALEX POV

(Italic- bago dumating si Fifth)

"Alexandra"

"Kean?" hindi ko makapaniwalang tanong. Tumayo naman ako pero karga ko pa rin si Scarlett.

"how are you? Ang tagal na kitang hinahanap" nakangiti niyang sambit.

"umm hinahanap? Bakit?" tanong ko ulit.

"Noong nabalitaan kong anong nangyari kina tito, umuwi ako agad dito sa Pilipinas. To search for you pero hindi kita nakita" kwento niya. Napapikit naman ako kasi masakit pa din yung nangyari sa pamilya ko.

Napansin siguro yun ng batang karga ko "mommy are alright?" tanong niya.

"mommy?" nagtatakang tanong ni Kean sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin.

"dont worry baby, mommy is fine" sambit ko tapos ngumiti siya. "just focus on your ipad ok, mama will just talk to her friend" sambit ko, tapos tinignan niya si Kean and then ako at tumango siya.

Nabigla naman ako noong may naramdaman akong kamay sa bewang ko.

Tinignan ko siya at nakakunot ung noo niya "umm bab..y" nautal utal kong sambit. Hinigpitan niya ung paghawak sa bewang ko.

"baby" tawag ko ulit sa kanya. Nakakahiya naman sa harap pa talaga ni Kean tinatawag kong baby si Sir. Hay bahala na!

"ano un baby?" tanong niya tapos nakasmirk siya. Ano problema niya? Bipolar mode nanaman siguro ito.

"Baby si Kean pala" sabi ko sabay niyang turo kay Kean "Kean si Fifth" pakilala ko naman kay Sir. Nagshake hands naman sila

"mama" sambit ni Scar. "Im hungry na" hay salamat Scarlett buti nalang talaga. Makakawala na kami sa awkward na situation

Wanted: Fake Mommy [FiLex]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon