[REVENGE♥]Chapter 25.1: park

16.9K 212 2
                                    

Chapter 25: park

Ysabelle’s POV

Nandito kami ngayon sa space burger, kumakain… hay salamat naman!! May matino rin palang alam gawin ang lalaking ito.

“hoy! Patay gutom mag hunusdili ka nga! Wala ka namang kaagaw diyan sa burger mo! Dahan dahan tinalo mo pa ata ang mga may 500 lbs na taong kumain” sigaw niya habang tinuturo niya sa akin ang fries.

*munch*

“hoy akin yan ah!” mamula- mula niyang sabi

Pano ba naman kinain ko yung tinuturo niya sa aking fries. Hahahaha

“exaggerated ka rin kung magkuwento no? at hahahahhaha marami ka namang pera bumili ka na lang ulit, total parang inabangan ka nung cashier oh!” ako sabay turo sa babaeng pagkakapal-kapal ng make up.

“ayaw ko nga, halatang nire-rape na ako niyan sa utak niya”- saad niya sabay smile ng pakaloko-loko.

“any who, bakit ayaw mong magstay sa bahay niyo ngayon?”- sabi niya sabay inom ng coke.

“eh, ikaw ba’t mo pinaglalaroan ang mga babae?”

“sa pagkakatanda ko una akong nagtanong”- sabi niya sabay smirk

Tch

“sa bagay, may karapatan rin naman akong di sagutin yung tanong mo.” Hahaha

Pikon!

“pero may karapatan rin akong malaman ang totoo”

“pero according to the law,  a person has their right to remain silent, at ang matter na pinaguusapan dito does not include you.” Ako sabay taas ng kilay.

“teka law ba yang course mo?”

“nope”

“ba’t alam mo  ang mga ganyang bagay?”

“wala lang, di ba pwedeng isa lang ako sa million milliong concerned citizen ng bansang pilipinas” ako may pa wave pang effect.

“tigilan mo na nga yan, di bagay, at isa pa ang layo na ng nirating ng conversation na to.”

Duh! Ngayon lang ba niya nahalata yun?

“slow mo rin noh? Di naman siguro halatang ayaw ko talagang pagusapan yung bagay na iyon.”

“ok… pero.. um..”

“may sasabihin ka ba? Sabihin mo na agad para kang sirenang di maka utot sa lagay mo na yan eh.”

Ms. Gangster's Revenge [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon