Ms. Gangster Chapter 3: Say WHAT??

40.8K 664 5
                                    

[edited 01/31/16]
Thank you sa pag Fan and sa  pag vote.

^__________^

To all who have read this………………..Please continue supporting. 

<3 <3<3<3<3<3

Chapter 3: say what??

Mayumi’s POV

Nasa school na ako ngayon.
Welcome second day!!! (note the sarcasm)
Hindi pa rin officially nagstart ang pasukan, pero unlike yesterday medyo nagbibigay na ng introduction to the subjects ang ibang mga teachers.

sigh .

Napapikit ako ng aking mata ng makaupo na ako sa aking upuan. Biglang nagflash sa aking isipan ang mga pangyayaring nagyari kagabi.

>>flashback<<

 

What to do??

paulit ulit kong tinatanong sa aking sarili.

God help me please. Alam ko this so unusal kasi di naman talaga ako mahilig mangialam sa mga problema ng ibang tao. Kaya please tulungan niyo ako.

buhay pa ba to?

"uggg"

he just moved! Buhay pa siya!

Ano ba dapat kong gawin? ugh,
Sanay ako sa sakitan pero never pa ako nagligtas ng buhay.

Ano ba ang kailan kong gawin sa taong to?  Oo, school mate ko siya pero hindi ko naman to kilala. Actually hindi ko din naman kasi kilala ang halos lahat ng aking kakalase. (=__=')

Ang alam ko lang ay representative siya ng aming school sa motor racing, sayang naman...

god! gulong gulo na ako, kahit naman matigas ang puso ko hindi naman kakayanin ng konsensya kong pabayaan ang nasimulan ko ng iligtas…

Wait!

***dialing

Ang tanga ko naman bakit ngayon ko lang naisipan! Ang tagal ko pang namroblema eh, pwede naman akong tumawag ng ambulance.

Matapos kong makatwag ng tulog ay umupo na ako sa tabi niya, hindi ko na siya ginalaw dahil  baka lumala siya. Isinigurado ko na lang na humihinga pa siya.

After 12123456789009876543210 years

joke! after 15 minutes dumating na din ang ambulance.

“nakita ko lang siya noong napadaan ako dito kasi may hinahabol akong pusa.” sagot ko sa pulis na kumakausap sa akin. Sana na lang ay paniwalan nito ang aking palusot. Sigurado naman akong walang ibang nakita sa pangyayari. Matapos ko kasing mapatumba ang mga lalaking nanakit dito ay may biglang dumating na van na kumuha sa mga ito. Mabilis ang pangyayari at sigurado naman akong hindi nila ako nakilala.

“sige miss. Salamat sa information na naibigay mo.” sagot naman sa akin ng pulis. "kokontakin ka na lang namin kapag kailangan niyo pang mag testify sa pangyayaring ito." dugtong pa nito.

What?! sabi ko na nga ba dapat iniwan ko na lang to!

“ummm. Miss kailan po kayo sa hospital para mabigyan ng identification tong lalaki.” sabi ng paramedic na palapit sa amin ng pulis.

“ok po" napapayag na lang ako, baka mamaya gawin pa akong suspect.

Sa pagsakay ko ng ambulance ay may napansin akong wallet na nasa sahig. Agad ko itong kinuha at tinignan ko ang nasa loob nito. May nakita akong student ID kaya agad ko itong binasa.

Ms. Gangster's Revenge [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon